Kabanata 30

310 15 0
                                    

Kabanata 30

Chocolate

"Welcome back, Sir Josh! Welcome back din Marie!"

Humalakhak ako dahil may pa confetti pa silang nalalaman. Tumawa din si Emman saka umiling iling. The agency looks so fine after all, medyo tumambak nga lang ang gawain namin ngayon ni Emman dahil sa isang linggo naming pagkawala.

Agad kong hinarap ang mga papel na naroon at chineck ang mga susunod na schedule nito. Hectic pala ngayong araw dahil may mga iilang meetings and appointments plus invitations ang nakapila sa araw ngayon ni Emman.

Inabala ko ang sarili ko sa mga katambak na papel sa table ko saka inumpisahan na iyon.

Napatingala ako nang makaramdam ng pangangawit dahil ilang oras narin akong nakayuko, it's almost lunch time kaya naman bumaba na ako para makakain.

"Hi Marie! Na miss kita." salubong sakin ni Remi nang magkita kami sa lobby.

"Miss kaba?" agap ko.

"You're so mean, hmp!"

Ngumisi ako at dumiretso na para makakain, sobrang dami! Marami ding naikwento si Remi patungkol sa company slash agency dahil ang fiancée daw kuno ni Emman na si Lenna ay nagwala noong nakaraan dahil wala siya dito.

"Halos pagbabasagin niya yung mga salamin sa lobby kasi yung bag niya tinapon niya doon! Ay jusko kung nandito ka baka isa ka rin sa gustong manabunot sakaniya!" she histerically said.

"Grabe naman." kumento ko.

Natapos na kami sa pagkain kaya bumalik na ako sa trabaho, pagbukas ng elevator ay nakita ko ang anino ng isang babae sa loob ng office.

May bisita yata si Emman.

"A-Anong ginagawa mo?!"

Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya! Those papers na natapos ay pinagpupunit nito!

"Tama lang sayo 'to, btch! Inuwi mopa talaga si Emman sa bulok niyong probinsya!" sigaw ni Lenna.

"Hindi ko siya inuwi! Edi sana kung inuwi ko siya hindi na kami bumalik." naiinis kong sambit

"Ha! Ganiyan kana ba kalandi para agawin sakin si Emman? You whore!"

Sinugod niya ako saka hinawakan ang dulo ng buhok ko. Impakta tong babaeng to.

"Putangina mo! Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa buhok ko.

"Bagay 'yan sayo! Akala mo ba maaagaw mo sakin si Emman? Hindi mo kilala ang kinakalaban mo--"

"Miss Lenna?"

Biglang napabitaw sa pagkakahawak sakin si Lenna nang tawagin siya. Ang sakit ng anit ko para akong kinalbo! Impakta ka, may araw ka rin sakin.

"Sean, you alright?"

Nag angat ako ng tingin sa tumawag ng pangalan ko. Gulat na gulat ako nang makita ko siyang nandito. What is he doing here?

"E-Engineer Marasigan, m-mauna na ako." paalam ni Lenna at kinuha ang bag. Tumingin siya sakin nang makaraan na siya sa gilid ni Ryan.

Pinakyuhan ko siya na agad namang tinampal ni Ryan.

"B-Bakit ka nandito? A-And E-Engineer? Diba Dj ka lang na anak ng isang Mayor?" gulantang kong tanong.

Inalalayan niya akong naupo sa upuan malapit sa table ko at inayos ang buhol buhol kong buhok. He just chuckled in my statement at seryoso paring inaalis ang pagkakabuhol ng buhok ko.

Order of the President (Officer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon