Kabanata 21
Fiancée
Hindi ko man na gets agad yung sinabi ni Emman--Emman nalang masyadong mahaba ang Emmanuelle, ay bumalik ako sa agency kinabukasan. Maaga akong nandoon at pinagmamasdan ang mga dumarating na employees.
"Hi! Bago ka ba dito?" biglang sulpot ng isang babae.
Maganda siya, ang maganda niyang hubog ay nakikita sa hapit na dress na suot niya. Her long curly hair waved when she squatted infront of me.
"Ah, o-oo."
"Talaga?! Anong posisyon mo?" tanong pa niya. "O ikaw yung bagong secretary ni Sir? Naku! Ang swerte mo naman."
Ngumiti lang ako sakaniya, inayos niya ang bangs niya saka naupo sa tabi ko.
"Ako nga pala si Remi, ang finance manager ng agency slash company na ito. Ikaw?"
"I'm Marie, may hinihintay pa."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, nguni't nakita kong dumating na si Emman kaya tumayo na ako at kumaway dito.
"Emman!" sigaw ko.
"E-Emman--what?!" gulat na tanong ni Remi.
"Ah si Emman kasi nagpapunta sa akin dito." ani ko.
"M-Mauna na ako."
Anong problema nun? Nakalapit na si Emman ng nawala na sa paningin ko si Remi. May past sila siguro ni Emman? Hmmm.
"Ready?" tanong niya. Tumango ako.
He's wearing white tshirt with black leather jacket at maong pants. Medyo nababaduyan ako sa style ni Kuya, seryoso? Ano kayang trabaho nito at sobrang busy daw.
"Your table will be next to me." Aniya.
So dito pala ang table ng secretary, siguro yung ibang nagtrabaho dito close kay Emman kasi magkalapit lang sila ng table.
Sobrang laki ng office na iyon at made of glass pa ang mga walls. Pag talaga nakaipon ako bibili na ako ng sariling condo dito. It will take 10 years bago ako makauwi ulit sa amin.
"These are the papers you need to submit within twenty four hours plus here's my scheduled plan for the whole month." sabay abot sa akin ng mga papel na naka binder at mga notebooks.
"Akala ko ba magtatrabaho ako bilang secretary ng may ari? Eh bat moko inuutusan eh empleyado ka din dito? Galeng mo din no?" irap ko sakaniya.
He chuckled at me, "Don't worry, I'll pay you triple the amount. Just do it, okay?"
Ito lang naman pala ang gagawin, tinapos kona sa buong araw na iyon ang mga papel na isa submit di umano ng twenty four hours.
Tinignan ko ang schedule na ibinigay niya. Naroon ang mga sunod sunod na meeting at kung ano ano pa. Siguro he's the representative ng agency kaya wala siyang magawa kundi gawin lahat ng ito. Nasaan naman kaya ang owner nito amp!
Inilagay ko sa calendar at alarm ang mga schedule niya para di ko makalimutan. Wala namang inutos sa akin si Emman kaya lumabas muna ako para bumili ng lunch, but suddenly on my way to cafeteria nang may mabangga akong isang babae.
She's a little bit fancy sa suot niya, maganda siya sa paraang pangangatawan. She's slim too like me at isisigaw yun ng dress niya, gusto kong umirap dahil puro dress nalang ang nakikita ko.
"Excuse me?" pagtataray niya.
Yumuko ako ng konti, "Sorry Ma'am."
Nilagpasan niya lang ako saka dumiretso sa elevator, may nagpapaypay pa sakaniyang di masyadong katandaan pero nasa mid thirties na.
BINABASA MO ANG
Order of the President (Officer Series #1)
Teen FictionAnne Marie Sean, is the Student Council President of Paralaya. She's not like the other woman whose prim and proper or simply...not the Maria Clara type. She always wore her boyish side who makes her to be a little difficult. Book 1 of Officer Serie...