Kabanata 28

287 15 0
                                    

Kabanata 28

Birthday

Kumuha ako ng tubig sa ref habang nag i-scroll sa cellphone. Maraming bumabati sa akin sa mga social media ko at panay ang tags sa akin.

'Happiest birthday to our legend president!'
'happy birthday pres!'
'pa inom ka naman jan, pres! Hbd'

Ngumisi lang ako habang pinupusuan ang mga comments nila, nag unat-unat pa ako dahil maaga akong gumising. Tulog pa ang mga kasama ko kaya naglinis muna ako ng bahay, birthday resolution guys.

"Oh my gosh!"

"Tama ba tong nakikita ko o minumuta lang ako?"

Napatingin ako sa mga kapatid na bagong gising lang, mga putangina niyo!

"Siz, nananaginip ako pasampal nga." sambit ni Keto. Agad naman itong sinampal ni Shane, "Aba! Bakit mo ako sinampal?"

"Nagpasampal ka kaya duh." irap naman ni Shane. Nag make face nalang si Keto habang hawak hawak niya ang pisngi niya.

"Goodmorning!" bati ko.

"Happy birthday, sister!" yakap sakin ni Keto, sumunod naman si Shane. "Tanda mona, may boyfriend kana ha?"

Tumawa ako sinabi niya, gago talaga ang isang to. Nagpatuloy ako sa paglilinis habang nanood naman agad sila ng t.v, aalis na pala ako kinabukasan dahil mag iisang linggo na ako dito at may kontrata pa akong tatapusin sa Maynila.

"Happy birthday Ate Ganda." bati ni Angela nang makababa na siya sa sala. I kissed her cheeks dahilan para ngumiwi siya sakin, sus napaka arte.

"Hoy mga tubol, regalo ko?"

"Ah regalo? Boyfriend gusto mo?" ani Shane.

Teka, nakakahalata na ako ah. Pilit akong pinagbo-boyfriend ng mga kapatid ko?

"Tanga, magagalit si Mama." agap ni Angela at umupo sa sofa.

Nang matapos ang paglilinis ko, agad akong naligo at nagbihis ng pambahay. I have no plans for celebration 'cause I've lost a friend, I need to pay respect for her soul.

I checked my phone at biglang nag pop out ang isang message galing sakaniya.

From: Bebe Ryan

Happy birthday, woman. Enjoy your day, and always remember I love you.

Napangiti ako sa mensahe niyang iyon. How can I love this man more? Kinikilig akong nagtipa ng mensahe ngunit nang makita kong nilingon ako ni Angela ay nagseryoso ako.

Ako:

Thank you, darling. Sana nandito ka. :(

Humagikgik ako sa rineply ko, napaka harot ko naman masyado!

"Ehem..." pekeng ubo ni Keto kaya napatingin ako sakanila. They are staring at me too kaya na nagsalubong ang kilay ko.

"Tinitingin niyo ha?"

"Sus, kinikilig ka lang jan. Sumbong kita kay Mama."

"Sumbong ka, gusto mo samahan pa kita?" maangas kong tanong.

Tumawa si Shane habang si Angela ay umiiling nalang. Sinasamaan na ako ng tingin ni Keto saka ulit umirap.

Sarap dukutin ang mata!

Bumaba si Mama at agad ngumiti ng makita ako, "Happy birthday anak." Aniya saka ako yinakap, hinalikan niya ang noo ko kaya napangiti ako.

"Thank you, Ma."

"Pakabait kang bata ka naku!" sabay kurot sa tagiliran ko.

Nagluto si Mama nang makakain namin sa almusal, we prayed before eating peacefully with joy. Nagtatawanan kami hamggang matapos. Wala nakong hihilingin pa sa araw na ito.

Order of the President (Officer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon