Kabanata 8
Attitude
"Balita ko magkasama daw kayo ni Ryan noong lunes sa may garden ah."
Nilingon ko si Avi na ngayon ay nang uusisa sa akin, hindi ko siya sinagot at nagpatuloy nalang sa ginagawa dito sa mesa.
Hindi na niya ako ginambala pa lalo na nang maramdaman niyang wala ako sa mood makipag asaran.
Lumabas ako ng SCO pagkatapos, wala naman akong magawa kaya nagtungo nalang ako sa classroom saka nagsuot ng earphones kaya lang, bago ko nasuot ang isa ay nakalipat na ang kaklase kong si Jim sa harapan ko.
"Yow Pres, ang dalang mo nalang pumapasok ah. Namiss tuloy kita." aniya.
"Bakit? Miss kaba?"
"Woah! That's harsh baby." Tawa niya. "By the way, may kumakalat na news or issue rather na magkasama daw kayo noong taga SMAPC? Gusto mo siya? Nanliligaw siya sayo?" Tanong niya pa!
"Pake ko doon." sagot ko dito.
"So, ako? Gusto mo ba ako? I mean pwede ba akong manligaw sayo kung ganoon?" he asked.
Mabilis kong pinindot ang play sa music at isinuot ang isa pang earphones, itinodo ko ang music bago sumagot,
"Pake ko din sayo."
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, napailing na lamang siya saka umalis at bumalik sa pwesto niya. Akala niya siguro isa ako sa mga chicks niyang easy to get? Potaena niya.
Dumaan ako sa may bulletin board para i check ang mga announcement at para alisin ang mga lupang papel doon. But one paper caught my attention,
'President of SSC, goodbye single?'
Miss Anne Marie Sean Silvestre, also knows as the Student Council President of Paralaya High School, was caught on camera dating a SMAPC student...
Agad kong kinuha ito at crinumpled, bigla tuloy akong nainis dahil sa balitang iyon! These damn photojournals and writers are giving me a headache!
"Woah! Hi Miss Pres, balita ko goodbye single kana daw? So, jowa mo naba yung kasama mo sa picture? Kung hindi pa manliligaw ako ah." Biglang sulpot ng grupo ng mga kabatch mates ko.
"Hindi ko jowa yon, at hindi ko rin manliligaw." nanliliit na mga mata kong sagot.
"Ganun ba? Oh edi ako nalang! Payag naman akong maging jowa mo pres eh, sa ganda mong iyan kahit kabit lang ako payag nako!" nakipag apir pa siya sa mga tropa niya, ngumisi ako.
"Hindi mo ba itatanong kung payag ako?"
"Ah! Oh pres, ano? Payag kaba? Kahit kabit lang okay nako!"
"Pasensya na, hindi ako payag eh."
Iniwan kona sila sa may bulletin board sana itinapon sa basurahan ang basurang hawak ko, that news is a trash. Nakakapollute lang sa paligid.
Gusto ko mang pumunta ng canteen kaya lang naisip ko, wala nga pala yung lima. May kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan pala sila, nagpunta ako ng garden dahil doon lang tahimik. Umupo ako at pumikit saglit
"Nako! Sabi ko sainyo girls eh, may ka date ang president naten. Ganiyan ba talaga ang huwarang estudyante? Nakikipaglandian?"
I opened my eyes, I saw the group of ladies standing infront of me smirking like idiot.
"Oo nga naman, Amelia. Tama ba na makipaglandian ka? Sa loob pa ng campus? Buti nga sakaniya!"
"So Miss President, how's my article? Is it good or bad?" ngumiti siya ng malapad, tipong abot sa tenga niya ang bibig niyang malaki.
"Hmm, pwede na. But your headline is too long, next time iklian mo. Hindi maganda sa article ang mahahabang title lali na kung sasali ka pa naman sa journalism." I answered.
"Ang sama ng ugali mo! Malandi!"
"Oh? Ako pa masama ugali? Tangina, tinuruan na nga kita paano magsulat sa journalism hindi kapa pasalamat?" inis na sambit ko!
"I hate you! Ma attitude ka masyado! May problema ka sa pag iisip!" aniya kaya natawa ako.
"Well, kung ayaw mo sa ugali ko pakialam ko? Ugali ko 'to eh, bakit hindi iyang ugali mo ang pakialam mo ha? Nakikialam ng ugali ng may ugali."
"How dare you! Wala kang kwentang president! Why don't you change your attitude a bit? Para naman magustuhan ka ng mga tao!"
I breathe heavily bago tamad siyang binalingan, "No need to change my attitude, kung ayaw mo sakin kain ka ng napkin. Pantapal lang sa bunganga mong malaki, and if some people doesn't like me then the feeling is mutual. No need to change my personality just to be like by somebody."
Umalis na ako sa harapan nila na gustong manabunot pa, ayoko namang masira ang image ko kahit nabahiran na ng kaunting galos ano!
"Oh! Nakabusangot ka ah." puna niya nang makita ako sa may parking lot.
"Gago kaba? Bakit mo pinaalis nanaman ang mga kapatid ko?" inis kong tanong
"Syempre, hindi ka sumabay sakin noong nakaraan kaya sasabay ka ngayon. " sumimangot ako sakaniya saka mabilis na umiling.
"Come on, Miss Not Interested. Para naman mapag isipan mo yung deal natin."
"Una, ayoko sayo dahil nakakadiri ka. Pangalawa, nakakadiri ka kase kung kani-kanino kang babae galing. Ikatlo, hindi ako tulad ng inaakala mo. Ikaapat, umalis kana dito bago pa kita masuntok sa mukha. At ikalima, UMALIS KANA!"
Hingal na hingal ako pagkatapos kong magsalita ng ganoon kahaba, ngayon nalang ulit ata ako nag speech ng ganiyan kabilis dahil sa inis ko sakaniya.
"Nandidiri ka sakin dahil kung sino-sino ang hinahalikan ko? Hahaha!" sarkastiko nitong tawa. "If you only know, Miss Not Interested...if you only know."
Silence.
I cleared my throat and face him, "Bakit sa akin mo gustong makipagpustahang ganiyan?"
"Kase you are strong, brave, and bold. You never exceed my interest for a girl, pero noong gabing sinabi mong hindi tayo talo I want to have a bet with you."
"And kapag natapos na ang isang buwan?"
"Kapag nahulog ka sakin, sa akin ka. At kapag nahulog ako sayo, lalayo ako. And if we both fell, we marry."
BINABASA MO ANG
Order of the President (Officer Series #1)
Teen FictionAnne Marie Sean, is the Student Council President of Paralaya. She's not like the other woman whose prim and proper or simply...not the Maria Clara type. She always wore her boyish side who makes her to be a little difficult. Book 1 of Officer Serie...