Kabanata 5

490 26 1
                                    

Kabanata 5

Ruin

Lahat ng mga tao sa loob ay nakatingin lahat sa akin, what? Did I said something crazy? Ang panukala ng larong ito ay para lamang sa mga estudyante at hindi taga labas.

"Sino sakanila?"

Agad kong tinuro yong lalaking iyon at sinamaan ng tingin, walang bahid na kaba sa kaniyang mukha. Yumuko ito at inabot ang tuhod na wari'y sobrang pagod.

"Excuse me, taga saan ka?" tanong ni Ma'am.

Sumulyap muna siya sakin bago ito binalingan, "Taga dito naman po."

"What I mean is, school?"

"Ah! Sa may SMAPC po." sagot nito.

Shock, gasps and other reaction filled the whole gymnasium. Ang iba'y disappointed lalo na ang mga nasa college.

"It is clear that the College Students has been disqualified for the basketball league this school year!" announce ni Mam Jill.

Pagkabitin at pagtatakha naman ang bumalot sa mga estudyante habang umaalis palabas at ang ilan ay natira para manood ng volleyball.

"Balita ko disqualified daw sina Kuya Renz?"

"Oo nga, sayang sabi samin ang ganda daw ng laban eh."

Lumingon ako sa dalawang kaibigan na nag uusap, I rolled my eyes to them at nagpatuloy sa pag chi-check ng kung ano-ano.

The whole day went good, and I'm expecting for tomorrow to be better.

Inaantok pa akong umalis ng bahay, masyado akong maaga ngayon dahil sa higpit ng schedule. May funrun ngayon at sa last day ang color run, hindi ko tuloy lubusang maisip, foundation  na yata ito?

Pagdating ko doon ng alas singko y medya ay may mga estudyante na. Inayos ko ang shorts at tshirt ko bago sila pinapila.

"Sa may juvilasyo tayo iikot pagkatapos ay babalik dito. Walang pwedeng nandaya dahil per section ng tatakbuhan niyo ay may nagbabantay, understood?"

"Yes, Pres!"

Nang saktong alas sais na ng umaga ay pinindot na ni Kuya Celso ang bell hudyat na oras na para tumakbo. Marami-rami ang  mga sumali kaya iilang oras pa bago makabalik ang iba.

Some of them didn't care about the prize, dahil mas inuna nila ang mga picture taking at kung ano-ano pa.

"Sean! Tawag ka ni Gov!" sigaw ng tumatakbong si Avi.

"Huh? Bakit daw?"

"Ewan ko, lagot ka baka dahil sa kahapon yan." pananakot niya.

Mabilis akong naglakad patungong College building at naroon sa may SSO si Gov. Jewel.

"Oh Gov. Bakit niyo ako pinatawag?"

"Nabalitaan ko yung fault kahapon. Wala kabang balak na ulitin ang game?" tanong nito.

Salubong ang kilay ko nang sagutin ko siya, "Gov, ang mga players niyo ang may kasalanan. Hindi na namin priority ang mali na nagawa ninyo, saka una palang at nasa panukala ng game na bawal ang outsiders. Hindi nga lang sinunod."

Bumuntong hininga siya at tumango, nagpasalamat siya sa oras bago namin ito iwan sa building.

"Nako! Kung hindi lang talaga gwapo ang mga iyon, baka inaway kona!" Tel-tel said.

Nagsama-sama ulit kami sa canteen syempre nandito si Renz, buntot yata ito ni Aina. Iniirapan ko nalang sila saka bahagyang dumadaklot ng pagkain ni Cristhel.

"Pasensya kana kuya, rule is rule." si Rain. Tumango si Renz at sumulyap sa akin, nag iwas ako ng tingin sakaniya. Bakit ako kinukurot sa dibdib aber?

"Dude!"

Halos mabulunan ako sa kinakain nang makita ko ang paparating! Bakit nanaman sila nandito? Dapat pala ay binawalan ko ang outsiders eh!

"Ryan, tol!" bati sakaniya ni Renz at sumulyap sa akin.

"Oh! Nandito pala si Miss Detective." sambit noong Ryan at ngumisi sa akin. "Musta yung pagkakapanalo by default? Masaya ba?"

"Cheater!" I hissed. Sa sobrang pagkainis ko sakaniya at umusog ako papalapit kay Tel-tel na nakatunganga ngayoj kay Ryan. "Bunganga mo pasukan sana ng langaw."

Agad niya itong isinara at sinamaan ako ng tingin, everyone is watching us. Umikot si Ryan papunta sa likod ko at bad move pala ang pag usog ko kay Tel-tel. Kumuha siya ng upuan at umupo sa tabi ko.

"So. pwede ba tayong mag usap?" tanong niya.

I cleared my throat at nandidiring tumingin sakaniya, "Sorry bro, I don't talk to strangers."

"Ay bet!"
"Iba den!"
"Ako nalang kausapin mo, pogi!"

Sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan ko kaya nagtawanan sila,

"Alright then, I'll introduce myself. My name is Mark Ryan Marasigan. And you are?"

"Not interested." I reply.

Laglag ang mga panga nilang tumingin sa akin, nagkamot ng ulo si Ryan saka napapahiyang tumawa.

"Ang harsh mo sis! Landi ka din pag may time, kaya ka nasasabihang tomboy eh!" Avi said.

"Sorry ha, tinatamad akong lumandi eh."

Sa bawat pag alis ko sa grupo ay nakasunod sa akin si Ryan, noong una ay pakialam ko sakaniya. Noong pumangalawa'y bahala siya sa buhay niya, nguni't ngayo'y tangina nya!

"Bakit kaba sunod ng sunod?" iritado kong tanong.

"Miss Not Interested, I'm here to be your friend."

"Well, I have lots of friends so leave me alone!"

Tumawa siya kaya napapatingin ang mga estidyanteng nasa corridor sa amin, "You have lots of friends but you want me to leave you? Alone?" hinawakan kong mahigpit ang mga hawak ko dahil sa pagpipigil. "Why don't you count me as one of your friends then? Pwera nalang kung crush mo ako--"

"Abnormal! Di nga tayo talo!" Sigaw ko.

"Well, in body and appearance you're still consider as a lady for me. Your heart might not be, pero lalambot ka din...sakin."

Nangilabot ako sa sinabi niya kaya sinampal ko siya gamit ang mga papel na hawak ko.

"In your dreams, moron!"

"Grabe, talaga? Papayag ka sa panaginip ko? Damn! Di nako gigising pa!" halakhak niya 

I left him laughing habang ako ay inis na inis na sakaniya. Anong trip niya sa buhay? Kung wala siyang magawa, mag tiktok siya! Paniguradong sisikat yon sa mga kabaduyan niya eh!

Lumiko ako sa hallway para tignan pa ang mga rooms na dapat nang isara para sa araw na ito, ayos naman kaya agad akong umalis.

After ng program ay agad na akong umuwi dahil hindi ako makakatayo ng maayos sa panggigigil sa Ryan na iyon!

How dare he ruin my day? He's an asshole! For sure lahat ng babae na nakasalamuha or naging jowa niya sinabihan niya ng ganoon. Ako pa ang hinamon niya ah?

Order of the President (Officer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon