Kabanata 23
Visit
Nagmadali akong hanapin si Raina sa loob ng bar, tama ba ang nakita ko? Nandito si Raina? And what did she mean?
"Oh! Para kang nakakita ng multo ah." ani Pauline.
"May nakita ba kayong babae na kadaraan lang dito? Mahaba buhok noon."
"Huh? Hindi, tsaka nandito lang kami no. Hindi namin napansin."
Inilibot ko ang paningin sa buong bar, baka naman nag iilusyon lang ako? Argh! Masyado na yata akong hilo.
Nagpaalam na ako na muuna nang umuwi dahil may trabaho pa bukas, pero kahit ganito lang ay nababagabag ako sa nangyari sa C.R.
Hindi ako makatulog kinagabihan, tinext ko ang mfa kaibigan kung nasaan si Raina.
Ako:
Hey guys, sup? Btw, saan nagbakasyon si Raina?
Ilang oras akong naghihintay sa reply nila pero kahit tuldok ay wala. Natutulog na siguro sila.
Nanginginig ako sa kalagitnaan ng pagtulog, hininaan ko ang aircon saka ulit umidlip.
"You should be brave,
You should be brave,
You should be brave.Face your fears,
Face your fears,
Face your fears.Sean, wake up and see
Sean, wake up and see
The love you turned your back on.Until next time,
Until next time.""Sean!"
Napabalikwas ako sa pagkakatulog dahil sa pagsigaw ni Yna sa labas ng pinto ko. Pawis na pawis ako gayong nakabukas parin naman ang aircon!
What's that noise all about?
Pinagpapawisan akong malagkit at nanginginig na rin ang mga kamay ko. My heart pounding so fast!
"Huy, ayos ka lang? Kagabi kapa ganiyan. Mag leave ka muna kaya ngayon?" sambit ni Yna nang makapasok sa pinto ko.
"Y-Yna, nanaginip ako."
"Huh? Was it that bad?" tanong niya.
Hindi ko alam kung kaninong boses ang nagsasalita sa panaginip ko. But I'm sure, something went wrong.
"Itext mo yang boss mo, sabihin mo magpapahinga ka muna. Ipagluluto lang kita ng sabaw na mainit."
Lumabas na siya saka isinara ang pinto, yinakap ko ang mga binti ko sa takot. Ngayon lang ako nanaginip ng ganito ka creepy!
Naligo na ako saka lumabas pagkatapos, nakita kong tinutulungan ni Pauline si Yna. Napangiti ako ng bahagya, uyy bati na sila!
Kumain na kami ng tahimik, hindi ko alam kung bakit ang tahimik nila gayong mukha naman silang okay.
Tumayo na si Pauline saka pumasok sa kwarto, napataas ang kilay ko.
"Di parin kayo bati?" tanong ko.
"Okay lang naman."
Tumayo narin siya para maghugas ng mga plato, ako naman ay pumasok na sa kwarto para tignan ang cellphone ko. Walang text parin galing sa mga kaibigan, ganito naba sila ka busy?
Buong araw kong ginugol ang sarili sa paghiga, pag lalaro ng kung ano ano sa cellphone hanggang sa pagbabasa.
Habang nagbabasa ako ay biglang may nag notify sakin na news, binuklat ko agad ito at binasa.
BINABASA MO ANG
Order of the President (Officer Series #1)
Ficțiune adolescențiAnne Marie Sean, is the Student Council President of Paralaya. She's not like the other woman whose prim and proper or simply...not the Maria Clara type. She always wore her boyish side who makes her to be a little difficult. Book 1 of Officer Serie...