Kabanata 4

519 29 1
                                    

Kabanata 4

Outsiders

"Sean? Kanina kapa?" tanong ni Rain nang makita niya ako sa may pool side.

"Yeah."

"Naroon sila sa loob."

"Kita ko nga."

Nagkibit balikat siya saka binalingan ulit ang kausap. Marami ding tao sa lugar na ito, I wonder kaninong party ito.

Maaga akong pumasom kinabukasan para sa mga katambak na gawain. Kailangan nang ma finalize ng iba pang gagawin o plans para sa intrams bukas.

"Eto, iyan! Ilagay niyo dito sa gilid."

Buti nalang at etong kapatid kong si Keto ay magaling sa pagdidisenyo, kasama ko si Ma'am Jill para makita ang kalalabasan ng event para bukas.

Nang maiayos na ang auditorium, ay nagtungo ako sa may gymnasium para makita ang pagdadausan ng mga sports. I also roamed to the chess lab, com lab etc para sa mga board games.

When everything is settled, nagpa announce ng half day session ang mga teachers para mai-kundisyon ng mga players at mga students ang sarili nila for the intrams tomorrow.

"Ano, Sean? Game na kayo bukas ni Aina?" tanong ni Coach Richard.

"Siguro? Walang choice eh. Sino ba mga kalaban namin?"

"College students." kibit balikat niya.

Laglag ang panga ko sa gulat, paano namin kakalabanin ang mga matatanda samin? Edi mas lamang sila!

No, don't give up! Never lose hope ika nga.

Eto naman kasing si Aina eh! Dumating lang si Renz napabayaan na ang practice, nagtatampo na nga ako eh.

Pero remember my rule:

Wag magtatampo kung walang susuyo.

Mahirap na, lalo na kung wala kapang bebe. Oops! Tamaan panget!

"P-Pres, pinapatanong lang po kung m-may gagawin pa po kayo mamaya?"

Nag isip ako, meron nga ba? Wala na yata.

"Bakit?"

"Y-Yayayain ka daw po sana ni A-Aljon para l-lumabas."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at biglang natawa! Putek! Biglang bumuhos ang mga isipin ko,

"Sabihin mo kay Aljon, una ayoko ng jowa. Ikalawa, wala akong pake sa lalake. At ikatlo, wala akong balak no! Ang dami ko ngang gagawin, busy akong tao!"

Napapahiya siyang tumakbo palayo habang ako ay natatawa parin. Dumiretso ako sa may library para magpaalam sa mga bacteria't virus.

"Tropa kong malupet, bata ang tinatarget." biglang sambit ni Avi.

Nagtaas ako ng kilay, "Sino?"

"Yung kadarating lang."

Nangunot ang noo sa sinagot niya, nguni't napansin kong mandito na silang lahat at ako nalang ang wala at kadarating lang!

"Gaga." Tumawa siya at napangalumbabang tumingin sa akin.

"Bata ang target? Ni Pres? Weh? Sino?"

"Yung nagyaya sakaniyang lumabas pero tinanggihan daw niya."

"Saan mo nakuha yang tsismis na yan ha, Alicia Victoria?" naiinis na tanong ko.

"Kahit saan."

Umirap ako saka binalingan ang apat kong barkada na sobrang busy. Si Tel-tel at Joy ay nag uusap ganoon din si Rain at Aina.

Order of the President (Officer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon