Ellipsis...
A punctuation mark that marks an omission.
Semi-colon is like an ellipsis they both symbolize that the story isn't over.
Something is left unfinished...
Parang sa buhay, maraming problemang darating at pagsubok pero hindi natin kailangan ng period. We can use ellipsis, comma or semi-colon to just pause and take a rest then fight again.
If it isn't happy it is not yet the ending...
I am Scarlett Maddison Monteverde meron akong bestfriend na si Quinn Leanor Manansala. We are super close dahil bata pa lang kami magkaibigan na kami and lahat halos ng secrets namin sinasabi namin sa isa't isa pero meron akong isang sikreto na hindi ko pa sinasabi sa kanya.
The gray-headed guy, Blake Ashton Villaluna is my boyfriend. At walang ibang may alam tungkol dito, willing naman siya na sabihin sa iba pero gusto ko lang ng private na lovelife. Less na nakakaalam, less mangingialam. Di pa rin ako ready na ipaalam sa iba.
"Maddieee, feeling ko nakita ko na si the onee! Ang saya saya ko, ang gwapo gwapo niya sobra tapos ang tangos ng ilong niya saka ang pula ng labi niya wahhh!" pasigaw na sabi ni Quinn habang nagtatatalon pa.
"Quinn calm down, di ka mauubusan. Maupo ka muna at sino ba yon bakit ganyan ka kalala hahaha" natatawa kong sabi sa kanya.
"Eh kase bebs sobrang gwapo talaga niya parang malalaglag panty ko wahh!" nagbebeautiful eyes pang sabi niya.
Napatawa ako nang malakas. "WTF! Sino ba yan ha? Hahaha"
Nakatitig pa siya sakin habang nagpapacute. Ang laughtrip ng mukha hahaha. "Sino pa ba edi yung lalaking may gray na buhook!!" patili niyang sabi na nakapagpatulala sa akin.
"Wa-wait, wh-what? Sino nga uli?" pautal utal kong tanong sa kanya para masigurado ko ang narinig ko.
"Bebs are you deaf? Yung lalaki kakong may gray na buhok" sabi pa niya habang nakakunot ang noo.
Shit! Siya lang ang may alam kong may gray na buhok. Kinuha ko ang phone ko at nagscroll sa photos. Nung nakita ko ang mukha niya itinapat ko sa mukha ni bebs para makita niya.
"Bebs siya ba yung sinasabi mo?" kinakabahan kong tanong.
"Wahh bebs bat ka may picture niya? Anong pangalan niya? Pwede bang ilakad mo ako sa kanya?" dire-diretsong tanong pa niya sakin.
"Uh bebs ano, ano kase e. May sasabihin sana ako, kase ano" kinakabahan kong sambit at diko mahanap ang tamang salita na sasabihin.
"Bebs ano? Puro ka naman ano dyan. Sige magkakaintindihan tayo sa kase ano, kase ano na yan hahaha" sabi pa niya habang nakangiti.
"Bebskaseanoboyfriendkoyunglalakinamaygraynabuhok" mabilisan kong sabi.
"Teka, ano ano? Ulitin mo nga at hindi ko maintindihan yung sinasabi mo. Bagalan mo lang bebs" naguguluhan niyang sabi sakin.
"Bebs sabi ko ano, bo-boyfriend ko kase yung ano lalaking may gr-gray na buhok. Im sorry kung nagsikreto ako sayo" nakayuko kong sabi sa kanya at nag aantay ng reaction niya sa sinabi ko.
"Eh bakit naman di mo sinabi agad sakin? Nakakapagtampo ka naman bebs. Sige ayoko na sa kanya, joke lang yung kanina" pangungumbinsi pa niya sakin na ayos na.
"Gusto mo bebs papakilala ko siya sayo, kapag free tayo both ipapakilala ko siya sayo" pahayag kong may paninigurado.
"Bebs tara na uwi na tayo, anong oras na rin delikado na sa labas" she trailed off.
Habang naglalakad kami pauwi parang medyo gumaan na yung dibdib ko. At least wala na akong sikreto sa bestfriend ko. Alam na niya and wala na akong dapat alalahanin. Ang sarap lang sa feeling. Hindi ko na napansin na malapit na pala kami sa amin kakaisip.
"Bye bebs, ingat ka ha! Love you!" pagpaaalam niya sa akin sabay pasok sa gate nila.
Magkaparehas lang kami ni village pero mas mauuna yung bahay nila kesa sa amin kaya nauna siya pag umuuwi kami.
Nung malapit na ako sa bahay namin may nakita akong nakaparadang familiar na sasakyan at shit! Napatakbo ako nang mabilis nang maalala kung kanino yun.
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
Hellooo guyss! Hope you are enjoying this story of mine. I know I'm not that good and I'm just beginner but I really hope that you'll like and enjoy this! Thank youu and Godbless!
BINABASA MO ANG
Ellipsis
Teen FictionScarlett Maddison Monteverde is a brave woman who will face any problems especially that she knows she have her family. She will choose to always use an ellipsis so she can stop and take a rest if she gets tired. What if her life becomes tougher? Ca...