Happy Anniversary!
Okayy! This is the dayy! First Anniversary namin ni Ashton ngayon! Sobrang sobrang sayaa kooo! Kahit hindi ako hinintay ni Skylar kanina pagpasok.
Bwisit na yun! Iniwanan ba naman ako at hindi talaga ako hinintay. Masasapok ko talaga yun mamaya pag nagkita kami. Pagpasok ko sa room ay walang nakalagay na flowers or chocolates sa upuan ko. Unlike nung monthsaries namin.
Nakalimutan na ba niya? Nakakainis naman si Ashton! Kaninang umaga nagtext lang sakin ng Good morning at ingat pagpasok. Hindi man lang ako binati pero pinalampas ko na lang dahil baka kako may surprise sa school pero wala naman. Nababadtrip na tuloy ako.
"Bebs tara na lunch na tayo, nagugutom na ako" aya sakin ni bebs pero umiling lang ako.
"Anong problema mo bebs? Ngayon ka lang ata nawalan ng ganang kumain?" tanong niya sakin kaya lalo akong nainis dahil naalala ko na naman.
"Pano kase bebs nakalimutan na ata ni Ash na anniversary namin ngayon. Hindi man lang ako binati kaninang umaga tapos etong pesteng si Skylar iniwanan pa ako sa bahay" pagmamaktol ko naman sa kanya.
Napilit naman niya akong kumain dahil ililibre niya raw ako ng ice cream para hindi na ako mabadtrip. Paglabas namin ay nanlaki yung mata ko nang makita ko si Ashton na may kausap na babae.
"Bebs si Ashton oh may kausap na babae" naiiyak kong sumbong kay bebs.
"Ha? Asan? Wala naman akong nakikita ah. Hindi naman si Blake yan e" sabi pa niya pero hindi ako pwedeng magkamali.
"Bebs hindi! Hindi ako pwedeng magkamali si Ash yan. May kausap na babae oh. Kaya pala nakalimutan yung anniversary namin" maiyak iyak na ako habang naglalakad kami palayo.
Kinaladkad ba naman ako ni bebs. Susugurin ko na dapat siya kasama yung bwisit na babaeng kausap niya e. Naiiyak na lang ako at tuluyan na akong nawala sa mood.
Mabilis na lumipas ang oras at umuwi na ako samin. Hindi ko na hinintay si Skylar mamaya ko na siya sasapukin pag uwi niya. Wala na ako sa mood kaya dumiretso ako sa kwarto. Sila Dad and Mom umalis para sa meeting.
Nakatulog pala ako, paggising ko ay 7PM na. Pagkakuha ko ng phone ko nakita ko na ang daming missed call ni Skylar at Quinn sakin.
"Nana wala pa po si Skylar?" tanong ko kay Nana dahil anong oras na rin.
"Wala pa nga iha e. Kanina ko pa hinihintay" sakto namang tumawag sakin si Skylar.
*ringg... ringgg.... ring...*
"Hello Skylar nasan ka na ba? Anong oras na nasa galaan ka pa? Isusumbong kita kila Dad and Mom" sunod sunod kong sabi sa kanya.
"Scarlett, scarlett kase ano" kinabahan na ako dahil parang umiiyak siya.
"Lintik ka anong nangyari sayo? Nasan ka ba?" tanong ko naman sa kanya dahil nag aalala na ako.
"Kase Scarlett si Ashton naaksidente"
Pagkasabi niya non ay mabilis akong tumakbo palabas ng pinto at dumiretso palabas ng gate ng bahay namin. Nagtatakbo ako palabas ng village nang biglang may humawak sakin at nandilim yung paningin ko.
Nagising ako at naramdaman kong nakaupo ako sa silya at nakatali yung kamay at paa ko. Nakatakip din yung mata ko kaya wala akong makita.
"Take my hand, take a breath pull me close and take one step"
Pagkarinig ko naman non ay natanggal yung blindfold ko at may kumalas din ng pagkakatali ng kamay at paa ko. Nag aadjust pa yung mata ko at inaaninag ko pa kung nasan ako.
BINABASA MO ANG
Ellipsis
Teen FictionScarlett Maddison Monteverde is a brave woman who will face any problems especially that she knows she have her family. She will choose to always use an ellipsis so she can stop and take a rest if she gets tired. What if her life becomes tougher? Ca...