Truth Hurts
Hindi kami nakauwi after two days dahil inatake ako ulit. Umuwi kami after five days and pinagbawalan ako ng doctor sa stress and extreme emotions but he said I'm good. Maganda raw yung response ng gamot sa katawan ko and malaki yung chance na gumaling na ako. It's been weeks since magkauwi kami and Ash never came to talk to me. School at bahay lang din ako at hindi ako gumagala dahil hindi kami okay ni Quinn.
Hindi ko pa rin alam kung paano niya nagawa sakin yun. She lied, we both know she lied. She never said sorry nor explain her side to me. Alam naman niyang malambot ako at isang sorry lang ay mapapatawad ko na siya but she never dared.
May appointment kami kay Doc ngayon para sa final tests ko. Hindi na ako inaatake at titignan daw ni Doc kung okay na ako or kung anong lagay. Kami lang ni Mom ang pupunta dahil busy si Dad. Skylar on the other hand, ay nandoon kay Luna. Well, at least he is happy. Yun naman yung pinakagusto ko para sa kanya, his happiness.
"Good afternoon, Mrs. and Ms. Monteverde so sa nakikita namin ngayon ay wala namang problema. Pwede ring mawala yung pagiging asthmatic mo kapag hindi na siya sumusumpong. Also, I'm glad to say na okay ka na basta kapag nahirapan kang huminga ulit just drink your medicines" pagpapaliwanag ni Doc.
Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na pinakinggan. Sila na ni Mom ang nag uusap. I'm busy thinking kung paano ko kakausapin si Ashton. Gusto ko nang makipag ayos sa kanya. And Audrey said she wants to talk to me.
"Mom mauna na po kayong umuwi. I'll go to the mall to meet a friend. Ihahatid na lang din po niya ako so no need to worry" pagpapaalam ko kay Mom habang nakatutok sa phone ko at nirereplyan si Audrey.
"Okay anak be sure na nasa bahay ka na ng before 6:30 okay?"
"Yes Mom thanks" saka ako humalik sa pisngi niya.
"Don't stress yourself too much and wag masyado magpapapagod at no extreme emotions okay?" then I nodded to Mom and bid my goodbye.
*ringgg... ringgg... ringgg...*
"Hello Maddison where the heck are you? I hate waiting!" sigaw sakin ni Audrey kaya bigla kong nalayo yung phone sa tainga ko.
"Can you lower down your voice? May atraso ka pa sakin kaya umayos ka" inis kong sagot sa kanya at napairap pa ako.
"Bumabawi nga ako diba? Ipapakita ko nga sayo yung evidences na sinasabi ko" I imagine her rolling her eyes.
"I'm inside the mall, stay where you are" saka ko siya binabaan at baka magsisigaw na naman don.
Pagdating ko sa foodcourt ay kitang kita ko yung busangot niyang mukha. This girl is literally a spoiled brat! Iniirapan pa niya ako habang palapit sa kanya. Napakaarte talaga!
"What took you so long?!" sumisigaw na naman siya. Lintek! Sarap pasakan ng bibig nakakairita.
"Can you lower down your voice? Naiirita ako" mataray kong sabi sa kanya.
"Wag mokong pakelam-"
"Shut up, show me what you're saying. Hindi ako pwedeng magtagal" pagpuputol ko sa sinasabi niya dahil mag iinarte na naman to.
Pinapakita niya sa akin yung mga pictures ni Ash and Quinn nung una ay magkakayakap kaya hindi ko binigyan ng malisya. After those pictures ay may last picture na magkaholding hands sila kaya kumabog nang malakas yung dibdib ko. This is not a fucking normal thing na ginagawa ng magkaibigan!
"Is that all you have?" sabi ko pagtapos niyang ipakita lahat nung laman nung envelope.
"Uh no, look at this one" sabay bigay niya sakin nung phone niya.
BINABASA MO ANG
Ellipsis
Teen FictionScarlett Maddison Monteverde is a brave woman who will face any problems especially that she knows she have her family. She will choose to always use an ellipsis so she can stop and take a rest if she gets tired. What if her life becomes tougher? Ca...