Meeting the Family
Napakaaga kong nagising ngayon. Samantalang late na kami natulog ni Skylar kagabi. Pag gising ko pa lang ay kinakabahan na ako. Kinuha ko agad yung phone ko at itetext ko si Ash.
To: Ash
Love umuwi sila Dad and Mom kahapon and they said they wants to see you. If okay lang na pumunta ka ng lunch. Dito ka raw kumain.Pagkasend ko ay naligo na ako baka sakaling mawala yung kaba ko. Pagkatapos ko ay tinignan ko yung phone ko baka sakaling may reply na si Ash.
From: Ash
Sige Love I'll come over later. Kinakabahan ako. What should I wear? Should I bring food or anything? I'm not prepared Love.Jusko! Akala ko ako lang kinakabahan. Mas kabado pa pala siya sakin. Natawa ako nang mahina nung naimagine ko itsura niya na natataranta at hinahawi na naman yung buhok niyang kulay abo dahil sa frustration. Hahaha.
Pagkababa ko ay nag iingay sila sa dining. Malamang ay kumakain na sila. Si Skylar talaga napakatakaw. Hindi man ako kinatok.
"Good morning Dear come join us" sabi naman sakin ni Mom at nilagyan ng pagkain yung pinggan ko.
"Thank Mom. Good morning guys" bati ko naman sa kanila at nagsimula na ring kumain.
"Oh anak nasabi mo na ba sa boyfriend mo na pumunta mamayang lunch?" tanong sakin ni Mom at tumango naman ako.
"Make sure he is decent Scarlett. I don't want just someone for you I want the best" Dad said in a serious tone kaya lalo akong kinabahan.
"Dad I met him and I'm very sure you'll like him. He is great!" masiglang sabi ni Skylar kaya napangiti ako sa kanya.
"Thank Sky" I mouthed him and he smiled and gave me thumbs up.
"Im excited to meet him anak. I believe in your taste mana ka kaya sakin" masigla ring sabi ni Mom kaya medyo nawala yung kaba ko.
We continued eating and they're talking again about the business we have. They also said that we'll be having a vacation and baka raw sa beach. Abnormal talaga parents ko hano? Beach tapos Christmas. Hahaha.
"Btw, I'll be cooking for our lunch para sa boyfriend ni Scarlett" masiglang sabi ni Mom kaya napangiti ako si Skylar naman tuwang tuwa dahil ngayon lang uli makakakain ng luto ni Mom.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami ni Skylar sa sala at nanuod ng Netflix. We are watching Money Heist. Fave bonding namin to e. Lalo pag summer, walang ginagawa.
"Skylar are they serious about the beach?" I asked Sky.
"Yeah I guess. Alam mo naman yung mga yun basta gusto" sabi niya sakin habang tutok na tutok sa screen ng TV.
Maya maya ay tumunog yung phone ko. Nagsend ng picture si Ash sakin. He is asking kung anong mas magandang suotin niya. Yung white polo shirt or yung navy blue. Then I said yung navy blue na lang.
Time passed by at nagpalit na kami ng damit ni Skylar. Nakaligo na rin ako ulit. Maya maya ay tinulungan ko si Mom sa kitchen at narinig ko yung sasakyan ni Ash sa labas.
"Anak puntahan mo na yung boyfriend mo andyan na ata" sabi ni Mom at agad naman akong sumunod.
Sinalubong ko si Ash na may dala pang flowers. Hinalikan ko siya sa pisngi at kukunin na dapat yung flowers nang biglang tinapik yung kamay ko.
"Love it's for your Mom" napasimangot naman ako pero napangiti ako ulit nang maglabas siya ng chocolates. Hahaha
"Thanks Love" ngiting ngiting sabi ko.
BINABASA MO ANG
Ellipsis
Teen FictionScarlett Maddison Monteverde is a brave woman who will face any problems especially that she knows she have her family. She will choose to always use an ellipsis so she can stop and take a rest if she gets tired. What if her life becomes tougher? Ca...