Chapter 6

9 2 0
                                    

Surprise!

It's been weeks simula nung binisita at binantayan ko si Ash nung nagkasakit siya. Grabe extra sweet na siya ngayon sakin saka caring. Talagang palagi niya akong hinahatid pauwi unless mas late yung dismissal nila sakin.

Naalala ko nung kinabukasan ay nagpunta siya samin tapos may dalang fertilizers tapos sabi niya pinabibigay daw ni tita para dun sa halaman ko na si Reymabel. Naging dalawa na nga yung flower niya mula nung gamitan ko nung fertilizer e.

Tapos every lunch as in lagi kaming sabay. Walang mintis yun! Kung hindi siya magdadala ng luto ni tita, bibili naman siya sa cafeteria at sabay kaming kakain. Grabe! Effort kung effort talaga siya! Perfect boyfriend naa!

Andito kami sa cafeteria ni bebs ngayon at hinihintay na lang namin si Ash. Lunch na kase tapos palagi siyang sumasabay samin. Kaya nakasanayan na naming hintayin. Habang nagdadaldalan kami ni bebs ay may tumakip ng mata ko.

Pinipilit ko namang tanggalin tapos lalo pa niyang hinihigpitan. Akala mo naman hindi ko siya makikilala. Jusko! Amoy pa lang alam ko nang si Ash to. Hahaha.

"Hello Love! I brought food for us" sabi niya at pinakikita pa yung paper bag habang nakangiti ng malawak.

"Aww, napakasweet ng boyfriend mo bebs. Sana talaga magkaron din ako ng boyfriend na ganyan" patiling sabi ni bebs habang naglalapag si Ash ng tupperwares.

"Thanks Love grabe naman effort mo. Inaraw araw mo na to. Nakakahiya na" nahihiyang sabi ko sa kanya pero kinurot lang niya yung pisngi ko.

"Ano ka ba Love ganon talaga yung mga boyfriend saka sayo ko lang naman ginagawa e" seryosong sabi pa niya habang nakatitig sakin.

"Thanks Blake" sabi ni Quinn pagkalapag ni Ash nung tupperware sa harap niya. Oo! Pati si bebs pinagdadala rin niya. Hahaha.

"Btw Love, this time ako nagluto nyan! Nagpaturo ako kay Mommy" proud na proud na sabi niya at hinalikan ko naman siya sa pisngi kaya namula yung tainga niya. Hahaha ang cute!

Nagsimula na kaming kumain at hanggang ngayon hinahawi pa rin niya yung kulay gray niyang buhok. Pansin ko nga na parang humahaba na buhok niya pero gwapo pa rin siyaa. Sobraa!

"Uh Love okay lang ba na mauna na ako sa inyo ngayon? May gagawin pa kase kaming research sa library e" pagpapaalam ni Ash sakin.

"Oo naman Ash. No worries basta mamaya text na lang tayo ha. Pag uwi mo text mo ako agad" sabi ko sa kanya saka humalik sa pisngi niya. Namula na naman yung pisngi niya. Hahaha. Ang cute talaga!

Pagkaalis ni Ash ay nagligpit na kami ni bebs saka dumiretso sa classroom. Last two subjects na lang meron kami ni bebs tapos si Ash tatlo pa kaya mauuna ako ng uwi sa kanya ngayon.

"Bebs sinasabi ko sayo wag na wag mong papakawalan si Blake! Napakaswerte mo sa kanya jusko! Saan ka makakahanap ng lalaking ganon diba?" inaalog alog pa ako ni bebs habang sinasabi yan.

"Oo naman bebs. Mahal na mahal ko si Ash." nakangiti kong sabi sa kanya.

Nakarating na kami sa room at sakto lang yung dating namin dahil pag upo namin ay biglang dating yung teacher namin, si Sir Kim.

"Good afternoon class, our lesson for today is about the uses of punctuation marks" panimula niya pa.

Inexplain din niya yung mga use ng periods, commas, colons and semi-colons, question marks, exclamation points and ellipsis. Then after niya magdiscuss nyan ay nagtanong siya sa amin.

"Okay who can group the punctuations we discussed a while ago?" pagtatanong niya kaya naman natahimik yung buong room.

Nagtaas naman ako ng kamay at magpapaalam sanang lumabas dahil ihing ihi na ako.

EllipsisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon