A Dream Come True
Nagising ako na may mabigat na nakapatong sa mukha ko. Jusko! Pagdilat ko nakita ko na kili-kili pala ni Skylar! Walangya! Tinulak
ko siya agad at nalaglag siya sa kama. Hahaha."Aray ko naman Scarlett. Dahan dahan ka ang sakit ng pwet ko" reklamo niya at pupungas pungas pa. Hahaha.
"Eh kase naman yung kili-kili mo itatapat mo pa sa mukha ko eh napakabaho naman" reklamo ko sa kanya.
Ang loko naman. Tumayo at inamoy yung kili-kili niya. Uto-uto talaga tomg si Skylar. Masyadong patola! Hahaha.
"Hindi naman ah. Mabango naman kaya" sabi niya kaya natawa ako.
"Shoo! Labas ka na ron. Maligo ka na at mag ayos. Maaga tayong aalis ngayon diba?" sabi ko sa kanya at tinutulak ko palabas ng kwarto ko.
Dito na rin pala siya nakatulog kagabi. Dumiretso naman ako agad sa bathroom at nagsimulang maligo pero tulala pa ako dahil sa antok.
"Ahhhh! Napakalamig!!" nagising diwa ko nung hindi ko pala naadjust yung heater namin. Grabe! Ang lamig.
Nagproceed na ako sa usual way ng paliligo ko at nung tapos na ako ay lumabas na ako papunta sa kama ko. Doon ko kase nilagay yung susuotin ko. Habang sinusuot ko yung floral na long sleeves ko and ripped shorts.
Finold ko muna yung long sleeves ko and tinali yung sa may ilalim then naglagay ako ng lotion. Sinuklay ko na yung buhok ko at naglagay ng pulbos and liptint saka konting pabango. Pagbaba ko ay dala ko na yung backpack ko and isang bag na nakalagay yung mga kailangan ko. Sa braso ko naman nakasabit yung bag ng DSLR ko.
"I'm readyyy!" masiglang sigaw ko habang pababa.
"Come on iha let's eat breakfast first before we go" tawag sakin ni Mom at nakita ko si Skylar na nakapolo na kulay white and nakamaong shorts. Nakaayos pa talaga yung sky blue niyang buhok. Hahaha.
Habang busy si Skylar na lantakan yung mga pagkain ay kinuhanan ko siya ng picture. Ang cute kumain parang bata. Hahaha. Sinakay na nila Mang Waldo yung gamit sa van na dadalhin namin.
Kaya naman pagkatapos kumain ay dumiretso na kami sa van. Si Mom naiwan pa sa loob at nagbibilin kay Nana at Mang Waldo. Si Dad na lang kase magdridrive papunta sa beach at pauwi.
"Skylar can you move a bit? Malalaglag na ako" sabi ko sa kanya dahil nakabukaka pa ang loko. Sinakop na yung space.
Pagkapasok ni Mom ay nagsimula na si Dad na paandarin yung sasakyan. Kinuha ko na rin yung earphones ko at sinalpak sa tainga ko. Nakinig lang ako ng music at pumikit.
"Scarlett gising. Huy, gumising ka" naramdaman kong may umaalog sakin at nakita ko si Skylar.
"Tara na bumaba ka na dyan. Nandon sila Dad and Mom sa loob ng convenience store. Tara na baka raw may bibilhin tayo" kaya namna tinanggal ko yung earphones ko at bumaba na.
Pagbaba ay inayos ko yung damit ko saka ko hinawi yung buhok ko at sinuklay ko gamit yung daliri ko. Pumasok na kami ni Skylar at kumuha ako ng mga chips and drinks. Then sunblock, deo, and other toiletries I need.
"Scarlett come on magbabayad na sila Dad and Mom dun sa counter" sabi ni Sky kaya nagmadali na kami.
"Hi sir how may I help you?" sabi nung babae sa counter at nagpapacute pa kay Sky. Jusko! Hahaha ate may anaconda sa tiyan yan wag ka dyan. Hahaha. Ang lokong si Skylar ngumiti pa at kumindat.
Jusko ang dami niyang dala puro pagkain! Hahaha. Nagtataka na nga ako bakit hindi siya tumataba eh kain naman nang kain. Picnic ata dadayuhin neto ron. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Ellipsis
Teen FictionScarlett Maddison Monteverde is a brave woman who will face any problems especially that she knows she have her family. She will choose to always use an ellipsis so she can stop and take a rest if she gets tired. What if her life becomes tougher? Ca...