Chapter 20

7 3 0
                                    

Is this a Goodbye?

Nung inuwi ako ni Ashton paggising ko ay nasa kwarto na ako. Baka si Skylar nag akyat sakin. Himala nga dahil hindi nagalit sakin kaya lang awang awa naman ang loko! Akala mo mamamatay na ako.

Ilang linggo na rin ang nakalipas at hindi na ako pumasok ng school. Nung sinubukan kong pumasok umuwi rin ako dahil umiyak lang ako nang umiyak. Nakita ko kase silang dalawa tapos yung mga kaklase ko ay panay ang tanong sa akin kaya lalo akong naiiyak.

Ang hirap pala nung mga ganto. Akala ko nung una ay OA lang sa mga palabas pero masakit pala talaga pag ikaw na yung nakakaranas. Araw- araw ko silang nakikitang magkasama at kung hindi magkaholding hands ay nakayakap si Quinn sa braso ni Ashton. Grabe! Parang dinidikdik yung puso ko!

"Nagugutom ka na ba baby Ashie? You wanna eat?" kausap ko kay Ashie na nasa tabi ko.

Ang likot likot niya sa kama kaya baka kako nagugutom na siya. Tuwing nakikita ko siya naiiyak din ako dahil naaalala ko si Ashton. Masaya rin ako dahil si Ashie na lang yung nagpapaalala sakin about Ashton. Miss na miss na namin siya ni Ashie! Miss na miss ko na siya! Lintek! Naiiyak na naman ako. Hahaha. Feeling ko minsan ang OA ko na dahil madalas akong umiiyak.

"Scarlett nakaayos ka na ba? Sabi ni Mom may schedule ka raw kay Doc ngayon!" sigaw ni Skylar habang nakasilip sa may pinto ng kwarto ko.

"Oo okay na. Aalis na ba tayo?" tanong ko naman sa kanya.

"Yep kailangan na nating umalis dahil sabi ni Mom ay may importante raw sasabihin si Doc" tumayo naman agad ako para bumaba na kami habang bitbit ko si Ashie.

"Nana kayo na po munang bahala kay Ashie ha. Pakainin niyo na rin po siya kase po bawal po siya sa ospital e" bilin ko kay Nana saka sumakay na kami ng kotse ni Skylar.

Hinatid naman kami ni Mang Waldo sa tapat ng ospital at naghintay siya sa may parking lot.  Paakyat na kami ni Skylar nang bigla kong maramdaman na nahihilo ako.

"Are you fine? You want me to get a wheelchair?" tarantang tanong ni Skylar sa akin.

"No I'm fine. Hindi kase ako kumakain lately. Wala akong gana dahil sa mga nangyari masyadong mabilis" sabi ko naman sa kanya.

"Before we go home we will eat okay? Kailangan mong magpalakas ng katawan dahil mapapatay ako nila Mom pag naabutan kang may sakit" panenermon naman niya sakin kaya tumango tango lang ako.

Para kasi akong bata na napapagalitan ng nanay niya. Hahaha. Naglalakad na kami papasok sa clinic ni Doc. Grabe! Sana it's a great newss! Sabi kase niya nung nakaraan ay gagaling na ako sa asthma ko kaya I can feel na it's really a great news for us!

Pagpasok namin ay ngiting ngiti pa ako na umupo sa isang upuan sa harap ni Doc at sa tapat ko naman ay si Skylar. Binalot kami ng katahimikan habang may binubuklat si Doc na folder don sa harap namin.

"Ms. Monteverde I'll be honest with you" panimula ni Doc kaya kumabog naman yung dibdib ko.

"Your case is not a joke. I already told Addie and Sarah about this but they want you to know that it's just an asthma when in fact it's a serious case" pagkasabi pa lang ni Doc non ay nabura na yung ngiti na nasa labi ko kanina.

"What do you mean Doc? Ano po ba talaga yung sakit ko?" takang taka kong tanong dahil wala na akong maintindihan.

"You have a Coronary Artery Disease and it's really serious because it is deadly. It occurs when the blood vessels that supply blood to the heart become narrowed. Untreated CAD can lead to chest pain, heart failure, arrhythmias and death. What makes your situation worse is that you have diabetes in your genes" mahabang paliwanag ni Doc at naluluha na lang ako.

EllipsisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon