Rain, rain go away
Tinotoo talaga ni Ash yung sinabi niyang babawi siya sakin. Paggising ko kanina andon na siya sa bahay at sabay daw kaming papasok sa school. Pagkatapos ay hinatid pa ako sa room kaya yung mga kaklase ko tilian nang tilian.
Si bebs naman panay ang kulit sakin sa nangyari kahapon at hanggang ngayon hindi ko pa rin kinukwento sa kanya. Hahaha. Andito kami ngayon sa may bench at hinihintay ko si Ash dahil kakain daw kami ngayon.
"Bebs ikwento mo na kase sakin. Napakadaya mo naman porket maaga akong umuwi kahapon e. Hindi ko tuloy nakita yung dramatic scene ron kahapon" pang aasar pa niya kaya naman kinwento ko na sa kanya yung nangyari.
Napakakulit kase hindi na naman ako titigilan nito pag nagkataon. Kaya ayon pagkakwento ko sa kanya tawa pa nang tawa ang gaga. Akala mo naman nakakatawa yung nangyari. Eh hindi naman comedy yun.
"Bebs hahaha hindi ko mapigilan tumawa hahaha. Naiimagine ko yung itsura mo ron" aba't lintek na to yun pa talaga inisip.
"Alam mo bebs hindi ko alam kung kaibigan ba talaga kita. Tinawanan mo pa ako e" nagtatampong turan ko sa kanya habang hawak ang tiyan na sumakit siguro sa kakatawa.
"Okay bebs seryoso na. Eh buti na lang nandon yung knight in shining armor mo na si Blake" pang aasar niya sinusundot pa ako sa tagiliran.
"Buti nga dumating siya bebs eh tapos alam mo ba" tapos ay kinwento ko yung nangyari na pag aalaga sakin ni Ash kahapon.
"Wahhh. Kyaahh! Bebs ang swerte swerte mo sa boyfie mo! Nako wag mo nang pakawalan yan. Isa siyang malaking SANA ALL!!" kinikilig pang sabi ng gaga at naiimagine raw niya.
Naalala ko na naman tuloy kaya namula rin ang pisngi ko at napangiti na naman ako. Lalo nung hinalikan niya ako sa noo at hinintay na makatulog.
"Ay! Ay! Namumula ka bebs, ikaw haa. Uso rin pala sayo ang kiligin" panunuya na naman niya sa akin.
Tawa pa kami nang tawa at pinagchichismisan namin si Audrey na baliw. Sinapok ba naman ako ni bebs dahil tinawag ko raw na baliw si Audrey. Eh totoo naman, sinong nasa katinuan ang gagawin yung ginawa niya diba?
"Nakoo bebs ayan na! Ayan na siyaa!" naguluhan naman ako kaya napatingin ako sa tinitignan ni bebs.
Nakita ko si Ash na may dala dalang bouquet ng flowers. Jusko tong lalaking to. Grabe naman magpakilig at bumawi.
"Hey Love, flowers for you" sabi niya at kinindatan ako.
"Uhm thank you Ash, hindi naman need ng flowers e, ikaw lang naman okay na ako" nakangiting sabi ko na ikinapula ng tainga niya.
"Nako bebs ha bumabanat ka na rin ngayon" pang aasar ni Quinn kaya naman lalong namula si Ash. Hahaha ang cute niya.
"Tara na Ash pinagtitinginan na nila tayo oh" nguso ko ron sa mga taong nakatingin samin.
"Syempre Love gwapo raw kase yung boyfriend mo" sagot naman niya sakin na sinang ayunan ko kaya natameme siya. Hahaha ang cute talaga niya.
"Ash tara na para di tayo gabihin, mahirap na" pag aya ko sa kanya.
Kasama namin si bebs na kakain ngayon at may dadaanan din daw siya mamaya pagkatapos. Pagkarating namin ay wala nang available na parking kaya malayo yung pinagpark-an namin sa kakainan namin.
"Sige na Love ako na bahala umorder maupo na kayo ron ni Quinn" pagkasabi non ni Ash ay dumiresto na kami ni bebs sa isang table.
"Bebs sabi ko sayo napakaswerte mo sa boyfriend mo. Sana ganyan din magiging boyfriend ko. Ang swerte mo promise, nakakakilig!" impit na sabi ni Quinn sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Ellipsis
Teen FictionScarlett Maddison Monteverde is a brave woman who will face any problems especially that she knows she have her family. She will choose to always use an ellipsis so she can stop and take a rest if she gets tired. What if her life becomes tougher? Ca...