Sky meets Ash
Nakita kong magkausap si Sky at si Ashton sa harapan ng gate namin. Kaya nagmamadali akong tumakbo dahil baka kung anu-ano na naman sabihin niya sa boyfriend ko. Mapang asar pa naman yun.
"Oh ayan na pala si Scarlett" sabi niya pagkakita sakin na tumatakbo papunta sa kanila.
Meet my twin, Skylar Addison Monteverde. Gusto niya tawagin ko siyang kuya dahil mas matanda raw siya sakin ng 5 minutes. He's so childish when it comes to me but he never showed it to others. He acts cold like an ice sa mga hindi pa niya kaclose and kakilala but I know that he always cares. He always calls me Scarlett and I usually call him Sky or Skylar.
"Hey Maddie, i miss you love" bati sakin ni Ashton pagkatapos humalik sa pisngi ko.
Napaatras pa ako dahil hindi ako sanay na may nanunuod sa amin. Kaya napatawa siya bigla na nakapagpalabas ng dimples niya. Sobrang gwapo nga ng boyfriend ko lalo kapag hinawi niya pataas yung kulay abo niyang buhok. Bagay na bagay sa pangalan niya, Ash.
"Scarlett masyado ka namang natutulala dyan baka tumulo pa yang laway mo. Hahaha" pang aasar sakin ni Sky kaya agad ko naman siyang sinamaan ng tingin na ikinatawa niya.
"Ash anong ginagawa mo rito? Come on pasok muna tayo sa loob. Dito ka na rin magdinner" pag iimbita ko sa kanya papasok.
Habang papasok kami sa loob ay nauuna sila sakin. Grabe likod pa lang niya kinikilig na ako. Hindi naman siya masyadong payat, hindi rin ganon ka maskulado. Siya lang nakita ko na lalong naging gwapo sa gray na buhok.
"Nana pahanda na po ng pagkain dito raw po kakain yung 'boyfriend' ni Scarlett" pang aasar na naman ni Sky sakin.
Malapit ko na talagang masapok to, kanina pa ako sinisiraan sa harap ng boyfriend ko. Speaking of my boyfriend, parang close na close sila ni Sky. Eh di naman yan madalas magkausap. Mga lalaki nga talaga, nanunuod na naman ng basketball. Kaya tinulungan ko na lang si Nana na mag ayos. Dinig na dinig ko yung tawanan ni Sky saka Ash sa sala.
"Sky, Ash the dinner is ready" tawag ko sa kanila mula sa dining. Pagkasigaw ko pa lang nagtatakbuhan na sila.
"Wow Blake Ashton feel at home na feel at home ka ha" pang aasar ko sa kanya na ikinapula naman ng tainga at pisngi niya. Nahiya ata hahaha.Nagsimula na kaming kumain at hindi talaga nila ako pinapansin. Parang mas miss pa ni Ashton si Skylar. Yung totoo, ako ba talaga pinunta nito? Hahaha. Mukhang si Skylar pa ata yung gusto kesa sa girlfriend niya.
"Uhm Ash may ipapakilala nga pala ako sayo, si Quinn yung bestfriend ko" pangiistorbo ko sa tawanan nila. Nakakahiya naman kasi, ako pa naOP.
"Sige love, free naman ako bukas if you want I'll pick you up then hatid kita after" he mumbled habang nginunguya niya yung pagkain niya.
"Okayy, saan mo ba gusto bukas?" tanong ko sa kanya habang sumisimsim ng orange juice.
Umakto naman siyang nag iisip at hinawi na naman yung buhok niya. Psh 'mannerism' na ata niya yun. Palagi niyang ginagawa yun. Nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya bigla naman siyang ngumisi at may binulong kay Sky. Nagulat na lang ako na humahagalpak na sa tawa yung dalawang loko.
"Ano ba pinagtatawanan niyo? Wala naman akong ginagawa ah" tapos mas lalo pa silang tumawa.
Pagkatapos nila akong laitin at bwisitin, Ash decided to go home dahil late na rin naman. Hinatid ko siya sa may gate.
"Goodbye Ash, mag iingat ka sa pagdrive. See you tomorrow. Text mo ako agad pag uwi mo ha." pagapaalam ko sa kanya.
"Bye love, see youu too. I love you and thanks for the dinner. Pasabi kay Sky salamat at mauuna na ako" sabi niya sa akin saka ako hinalikan sa noo.
Hinihintay ko yung pag alis ng sasakyan niya pero hindi siya umaalis. Kaya lumabas ako at kinatok yung bintana ng kotse niya.
"Ash ano problema, bakit di ka pa umaalis?" nag aalala kong tanong sa kanya. Pagkababa niya ng window nakita ko siya na nakapuppy eyes.
"Love mamimiss kita, ayoko nang umuwi. Fvck! Bakit ba ako ganto sayo?" sabi niya at hinawi na naman yung buhok niya.
Nagulat ako nung bigla niyang nilabas yung ulo niya sa bintana ng kotse niya at hinalikan ako sa pisngi. Namula yung mukha ko ng sobra and the last thing I saw ay yung ngiting tagumpay niya. Pagkatapos niya akong halikan ay pinaharurot niya paalis yung sasakyan niya. Hanggang pagpasok ay namumula pa rin ako at naalala yung dimples niya habang nakangiti, yung mapupulang labi niya at yung buhok niyang kulay abo.
After ng nangyaring yun ay naligo na ako at paglabas ko saktong nagtext naman si Ash na nakauwi na siya. Kaya humiga na ako at nagtipa ng reply sa kanya.
To: Ash
Thank you sa pagpunta! Bat mo pinaharurot yung kotse mo, paano kung maaksidente ka? :((Pagkasend ko ng reply ko ay kinuha ko yung earpods ko at nakinig ng tugtog. Saktong pagkaplay ko ay tumunog na naman ang phone ko. Senyales na may text si Ash.
From: Ash
You are always welcome Love. Kakauwi ko lang miss na agad kita. Anong gayuma ba pinainom mo sakin? Nahiya ako kanina paghalik ko sa pisngi mo e. Hahaha sorry madame.Napangiti naman ako habang binabasa ang reply niya sa akin. Naalala ko na naman yung itsura niya kanina, ang laughtrip. Hahaha.
To: Ash
Sige na magpahinga ka na. Goodnight. Sleepwell. See you tomorrow. Ingat pagpasok. I love you.Napipikit na ako habang nag aantay ng reply niya. Natagalan ata siya, siguro ay naliligo yun.
BINABASA MO ANG
Ellipsis
Teen FictionScarlett Maddison Monteverde is a brave woman who will face any problems especially that she knows she have her family. She will choose to always use an ellipsis so she can stop and take a rest if she gets tired. What if her life becomes tougher? Ca...