G-Onenternally|GillianMonths passed like days and a year passed like month.
Hindi ko namalayan ang mga araw na nag daan. Maraming paper works ang tinapos ko at nag focus sa pag review ng mga notes.
Pagod akong dumating sa apartment at humiga agad sa sofa-bed.
Martes ngayon tapos holiday pa, kaya marami na namang costumers na dumating.
Kung pwede lang mag resign ginawa ko na dahil sa pagod, kaso sumasakto lang sa tuition at pambili ng libro sa eskwelahan, ang sahod ko ruon.
Ang hirap mabuhay mag isa.
Di ko namalayan nakatulog na ako ng tuluyan. Pasalamat na lang ako dahil nag alarm ang aking cellphone.
Tatlong oras nalang mag uumaga na, kaya naligo ako't uminom na muna ng kape.
Kailangan ko pang mag ayos dahil mag t-tour kami mamaya sa hostpital na parang career-focused tours for graduating students.
>>>>
"Gillian, may dala ka bang pamay pay jan? Ang init grabe!" rinig sa tono ng boses ni Jela ang pag paparinig kay ma'am.
Pawis na pawis ito at walang tigil sa pag punas ng nuo.
Lahat kami ay nakapila sa labas ng hospital.
Meron pa raw nag t-tour sa luob na galing sa ibang unibersidad kaya kami ngayon ay nag hihintay pa rin.
"Wala eh--"
"Ako meron!" sumulpot si Kheen sa likod niya at pinakita ang isang multicolored pen.
"Anong magagawa namin sa ballpen na yan? Mag susulat sa hangin para bigyan tayo ng malamig na preskong tubig?" namumula na ito sa inis at siguro dahil na rin sa init.
"Wag ka, this is my mini rechargeable fan" pinindot ni Kheen ang dulo ng ballpen at ang apat na iba-ibang kulay kanina'y, dahan dahang naging elecy o fan blade.
"I invented this three weeks ago using flexible high class metal and--" she cut him off at biglang itong kinuha.
"Ang galing..." inobserbahan niya ito at tinutok sa kanyang mukha "sarap~, ito ang hinahanap kong preskong paraiso"
Nilingon ko si Kheen na proud na proud sa sarili. Bigla itong tumingin saakin kaya nginisihan ko siya at nag thumbs up.
Sa wakas naka-pogi points na rin sya.
"Ah- ARAY!!!"
"Ang Buhok Ko!!"
"Patayin mo ito KHEEN!! o IKAW ang papatayin ko!! Stupido ka!!" nagulat kaming dalawa sa pagsigaw ni Jela.
Nakita kong naka paikot ang ilang strands ng kanyang buhok sa elecy.
Kahit ang ibang naming kaklase ay nag panic dahil dumadami na ang buhok na nag kabuhol buhol dito.
Sumulpot ang gunting na hawak ni Kheen at pinutol ang buhok ni Jela.
Nadismaya kaming lahat nang sumigaw siya ulit habang kinakapa ang parteng umikli.
Habang nag t-tour ang dalawang RN ay maraming nag pipigil ng tawa sa buhok niya, pero serioso lang si Jela at hindi nag sasalita, habang kami naman ni Kheen ay nakayuko lamang at nakikinig.
I felt someone poked my left shoulder and saw Jela's teary eyes.
"Gill...nag ka'ron ako at natagusan rin. I feel it. I forgot to bring some."
BINABASA MO ANG
Deepest Secrets
Mystère / ThrillerAfter the social media war ended twenty years ago, innocent authors have been affected and a lot of things changed. They disguised and did a lot of ways just to hide their personal lives, even if it will slowly ruin person's life. But why are they...