C-21

5 0 0
                                    

Chapter 21| Capable

"But you know? Aren't you curious?"

Kumunot ang noo ko. Pagkatapos niya akong i-hot seat kanina, mag iiba nalang siya ng topic. Base naman sa tono niyang puno ng pagkaseryoso mukhang importante sasabihin niya.

Siguro may alam na talaga sya about how we can escape here o kaya may idea na sya kung sino man ang may pakana nito, but I'll keep this thought to myself. Hindi pa ako sigurado.

"Sa alin?", I asked.

"Ano sa tingin mo ang nasa harapan natin? Why is it flickering in every five minutes?"

Bigla ko nalamang narealize ang mga tanong niya.

"Hologram lang siguro 'yan." nawawalang gana kong sagot. Ang bilis ko naman makalimot. Si Kheen nga pala 'to. Masyado syang focus sa material na bagay. Ayoko ng pahabain ang ganitong usapan kung wala naman siyang sasabihing ni plano man lang para makaalis dito.

Gusto ko nang umalis dito sa totoo lang talaga.

Ang hirap gumalaw sa sitwasyon ko, pero kapag kasama mo talaga si Kheen, iba yung pakiramdam. Parang kumakalma lahat dahil dinadaan niya ang usapan sa kalmadong paraan.

"Nope. Masyado kita 'yon. Idiretso ko nalang...mukhang bored ka."

"Bored?! Wow lang, Kheen! Alam mo ba kung nasaan tayo?" napasinghal nalang ako sa sinabi niya. Aware ba talaga siya sa sitwasyon namin? O patay malisya lang siya?

"It's a traditional hologram. Gawa sa salamin then yung projector ay nasa loob." simple niyang sagot pero bigla nitong inakit ang kuryosidad ko.

"Nasaan ang projector tsaka yung loob na sinasabi mo?"

"What?" naguguluhan niyang tanong.

"Nasaan kako yung projector tsaka yung tinutukoy mong "loob"..?" pagdidiin ko sa bawat salita.

Nakuha niya pang kumalma at hindi ko maiwasan isipin si Suan sa kanya. It's just weird to see him calm with this kind of situation.

Mas seryoso pa siyang mag salita kapag nagpapaliwanag ng mga ineembento niya. I can't help to doubt...

"Ano ang plano mo, Kheen..?"

Matunog itong ngumisi. "I want you to know what's inside on that traditional hologram."

"Oh... tapos..?" naguguluhan kong sabi. Hindi ko matukoy kung anong gusto niyang sabihin. Ano ang gusto niyang iparating. Kailan ba sya naging misteryoso?

Nanatili lang siyang tahimik. Malalim ang iniisip. Ako? Wala na akong maintindihan. Meron na ba talaga siyang plano?

Ano na?!

Uupo nalang talaga kami dito? Tutunganga? Maghihintay na kung anong sumabog?

"Alam mo Kheen.. Feeling ko may pinaplano ka." nasabi ko nalang sa gitna ng katahimikan at kadiliman ng paligid.

"Yeah. Maybe. It's hard to tell." natatawa niyang sambit na agad kong ikinalingon.

"Wala ka naman sigurong singaw para mahirapan kang sabihin." seryoso kong sabi. Alin ba ang nakakatawa doon?

"I'm just thinking how strong and how long is the effect-hallucination -of the drug. I woke up in few minutes before and it didn't affect me that much. If I'm going to the center of the situation, you are the person they want to be here. Not me. It's like they need me to witness something but it seems not. The way the situation goes on is absolutely-"

"Sandali lang. Ang bilis mo mag salita. Hanggang ba ngayon naghahallucinate pa rin ako?"

"Hindi ko alam. If you think I've been planning something, I'm not. I don't even know if this is real." tiningnan niya ang napaka dilim na paligid.

Deepest Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon