Chapter 22| Corrupt
Geb's POV
"Boss. Gising na si Gillian Gutierez. Pulido na ang lahat."
"I see..."
Pinanood ko ang nasa screen. Hinayaan ang ngisi na kumurba sa aking labi.
Napakasayang panoorin ang reaksyon nito.
Kasiyahang dadating sa pa sa inaasahan ko kapag abo't kamay ko na lahat..
Ilang buwan ko hinintay ang ganitong kasiyahan.
Ilang beses ko nang sinubukan ang planong ito. Kahit ako na ang gumawa mag isa, kusang matatalino ang mga taong nakakapit sa kanya at mukhang nagkakasundo pa sila ng tadhana.
Umigting ang panga ko. Sadyang ang kamalasan na dala niya, ay laging napupunta sa mga taong kumupkop dito.
Walang katulad.
Kating-kati na ako iparamdam sa babaeng ito kung paano ang wala ng magagawa pa. Gusto ko iparamdam kung ano ang pakiramdam na makita ang taong importante sayo na mawalan ng buhay sa harapan nito.
Parang hindi sapat.
Ang pagnanasa kong makita ang kanyang paghihirap ay isang malaking kasiyahan ang dulot nito para sakin.
"Anong ba ang silbi ni Curzon dito?"
"Ang mamatay." sagot ko at ikinatahimik naman ni Cesar. Pinagmasdan ko si Kheen Curzon. Isa ito sa mapiling tao at magaling pagdating sa teknolohiya. Ilang beses ko na itong inalok ng imbitasyon ngunit sadyang sobrang inuuna niya ang kanyang emosyon.
Masyado itong mahina pagdating sa mga taong malapit sa kanya.
Ang ganyang mga tao ay salot talaga sa bayan.
"Matagal pa ba 'yan?" narinig kong bumungtong hininga si Coleirine.
"Ano ba ang hinihintay niyo rito?" tanong ko pabalik.
"Ako gusto ko lang makita kung papalpak ka nanaman." nilingon ko siya habang naka kunot ang noo. "Hindi na natin siya dapat tinutuunan ng pansin. Patay na rin naman si Evelyna-"
"Mukhang kinakampihan mo sya base sa tono ng iyong pagsasalita. Bakit hindi ikaw, ang pumalit kay Kheen Curzon?" pag puputol ko sakanya at nakangising pinagmasdan ito, "Masyado ka yatang kampante dahil pinatay mo ang umalembong sa iyong ama-"
"So naglalag-lagan tayo ng mga dumi dito?" aniya na ikahalakhak ko.
"Kailan m'ay, hindi mo naabot ang aking mga hangad sa ikakabuti mo." umiiling ako habang tumatawa.
Ang mga inutil ay maninitiling inutil.
"Kahit naman pumalit si Kulay kay Curzon, wala rin naman say-say 'yon para kay Gie." ani Cesar habang nakatingin sa screen.
Natigil ako sa pagtawa at napaisip. "Isa nga 'yong magandang konklusyon."
Kung basta-basta lang papatayin si Curzon ay parang wala lang mangyayari. Kung ang habol ko lang ay ang makitang magmakaawa at tumugon siya sa aking plano ay isa lamang pwedeng daan.
"Mukhang may naisip ka boss na magandang plano.." nilingon ko si Sario at hindi napigilang mapangisi.
"Kilalang-kilala mo talaga ako." tumindig ako at lumabas ng silid.
Gillian Gutierez P.O.V
"Kamusta, Gie?"
Hindi ako kumibo. Tumitig lang ako sa sahig pagbukas ng ilaw. Ano pa naman ang gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Deepest Secrets
Mystery / ThrillerAfter the social media war ended twenty years ago, innocent authors have been affected and a lot of things changed. They disguised and did a lot of ways just to hide their personal lives, even if it will slowly ruin person's life. But why are they...