C-3| Calm

37 3 1
                                    


G-Onenternally|Gillian

The long awaited day has finally came.

Ang bilis lumipas ng mga araw.
Matagal na nung huli kong makita ang secret door ng publishment, kung saan kami dumadaan dahil maraming tao ang naka pila sa main door.

Nakita ko agad silang nag uusap usap pagkapasok ko.

I felt out of place and I'm starting to feel my anxiety.

I tried to ignore it by diverting my attention to my co-authors, ngunit makita ko lang silang nag tatawanan ay parang... ako ang kanilang pinaguusapan.

Sinubukan kong kalmahin ang aking sarili at ngumiti nang lumapit si Lat saakin.

"Hi, kamusta po?" guminhawa ang pakiramdam ko nang tanungin niya ako.

Napansin ko ang simple niyang suot na yellow t-shirt at blue trouser. Napaka blooming niya. Hindi mo aakalain na tragic stories sinusulat nito.

"Ok naman po, ikaw?" I said awkwardly and she facepalmed then bursted into laugh.

"You are like teeny, ilang taon ka na ba? Ang formal natin mag usap sa isa't isa" aniya.

"Twenty-two" naramdaman ko ang hiya sa aking pagkasabi.

"We are just the same lang pala!" napakamot nalang ako sa gilid ng aking labi dahil sa walang masabi.

"Anyways, after the awarding-" bigla niyang hininaan ang boses "we are going to night club. Celebration lang because we are now complete-"

"Complete?"

"You didn't even research huh?" ngumisi siya at binigyan ako ng nakakalokong tingin.

"Hindi ako masyadong naniniwala sa mga impormasyon na naruon." natigilan ito. "Alam mo.." panimula ko, "It's hard to believe or infer something without seeing any proofs."

"C'mon! You are thinking a lot!" dismayado siyang tumingin saakin.
"I'm referring to the top five best sellers." tiningnan ko lang siya na sinisigurado na walang nakakarinig saamin, tumingin din ako sa mga tao rito.

Abala sila sa pag c-chismisan at kwentuhan katulad namin. Ang iba pa nga ay nag uupdate pa ng mga storya nila.

Ano ang ikinakatakot ng niya?

"The last author is going to be part of us today. " bigla itong sumerioso "If five top sellers were already awarded with their main different genres, one another batch will be born next year."

"Paano tayo?"

"Paanong tayo? Wala namang tayo" naguluhan ako sa sinabi niya.

Magsasalita pa sana ako pero nauna na siya "Just kidding lang! Pwede pa naman tayo mag publish ng book but we're not going to be top of best seller ulit."

Bumalik agad ang mga tanong na nasa utak ko.

"What if an author published a story with two or more genres?"

"What a lame question" pinandilatan ko sya pero ngumisi lang ito saakin. "They won't published it obviously" bigla na naman siyang nag serioso.

Nakakaba rin pala ang pag palit palit ng mood niya.

"No one pa naman gumawa ng story with more genres" dugtong nito.

"Paano naman kung naging best seller ang libro natin, hindi na ba talaga tayo makakasali ulit sa top?"

Pinipilit ko ang sarili ko na importante na muna ang tanungin pero sadyang bigla-bigla nalang sumusulpot ang mga nonsense questions sa utak ko.

Nagulat ako nang humalakhak siya. Napalakas ito kaya naman ang ibang tao ay napalingon saamin.

Deepest Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon