Chapter 20 | Cynical
"Lian.."
"Hmm.."
"Huy.."
Tila bang napakaantok ko dahil ayaw bumukas ng mga mata ko.
"Gising—"
Ang bigat ng pakiramdam ko na para bang hindi ko na ito magalaw. Gusto ko imulat at makita kung sino ang bumubulong pero sadyang masyado akong pagod para gawin 'yon.
"T*ng*na lang Gillian Gutierez!"
Mabilis akong namulat. Taas—baba ang aking balikat na sumasabay sa malakas na tibok ng puso ko na gustong kumawala sa dibdib ko.
Ang nasa harapan!
Imaheng kayang patigilin ang aking paghinga sa mabilis na segundo.
Isang babaeng patay.
Ang taong pinatay ko—!
Galit ito. Nakatingin saakin. Mata sa mata. Lahat ng mga nangyari ay bumabalik na.
"S-sorry.."
Katulad ng ulan, masyadong mabilis ang buhos ng mga ito, hindi ko malaman kung nasaan nanggagaling.
"Nararamdaman mo na ba ang side effects ng pinaamoy sayo?"
Napabalikwas ako ng upo sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses. Naramadaman ko ang lamig na nakapalibot sa aking braso, gumalawgalaw ako at base sa narinig kong kalansing ay parang mga kadena ito.
"Nasaan ako?"
Nilibot ko ang paningin kahit napakadilim.
"Nasa kadiliman ka na."
"Wala ako sa oras makipag biruan sayo, Kheen!" sigaw ko sa dilim. "Tanggalin mo saking 'tong mga laruan mo!"
"Nice act. " tumawa ito na parabang may nakakatawa talaga sa sitwasyon ko.
"Nakakaya mo pa talagang tumawa? Sa tingin mo may papala ka dito—" natulala ako sa harapan.
Ang liwanag sa dilim
Imaheng kayang patigilin ang aking paghinga sa mabilis na segundo.
Nanglilisik ang mga mata.
Pero.. nakita ko na to kanina.
Masyadong realistic. Kinain ako ng emosyon ko para hindi mapansin na ilusyon lamang.
Linibot ko ang aking tingin at nakita ko si Kheen.
"Paano..?"
Ang naramdaman kong galit kanina ay nawala . Kaunting liwanag lang ang tumatama sa kanya pero sapat naiyon para makita siyang nakupo sa sahig at nakagapos sa isang poste.
"Paano tayo.. Pano tayo napunta dito." hindi ko maiwasang mahiya.
"May dumala satin." aniya at seryosong tumingin sa harapan.
"I don't know their reason but since I saw your reaction, I think that drug really makes us hallucinate for the mean time."
Ayokong sundan ang tingin niya.
Hindi ngayon ang oras para isipin ang mga 'yon.
Ang dapat ay naming isipin kung paano kami makakalis dito.
"May naiisip ka bang pwede natin gawin para makatakas?"
"Kung meron man ay sana iniwan na kita." napasinghap ako sa narinig. Gagawin niya talaga y'on? Mukhang hindi siya nag bibiro...
"Hindi ko expected na sasabihin mo yan. " sarkisto kong sambit.
"Basag ang salamin ko." aniya at tutok na tutok pa rin sa tinitingnan.
"Pero wala ka namang salamin—hindi ko naman napansin kasi madilim." palusot ko nalang.
"That is what I wanted to use as an excuse." bumungtong hininga ako, swerte ko nalang hindi sya galit ngayon.
"Paano ka naman makakarason ng maayos, yung titiig mo sa harapan masyadong malalim. Anong alam mo?"
"Mukhang gusto mong malaman. I can't see it clearly that's why I keep looking at it. "
"Alam kong hindi ka magkakainterest sa mga tao." nanghihinala kong sabi.
"You got me!" he laughed, scaring me, bihira lang siyang tumawa kaya kapag tumawa siya at biglaan pa, ay nakakatakot talaga.
"I can sense you know that person. May sinabi ka kanina diba? Weird."
Natahimik ako.
Sasabihin ko ba? O iiwas ko nalang?
May kaunting hinala ako na alam nya na o may kutob na sya. Obvious naman na 'yon. Kheen is not the type of person na magtatanong kung hindi nya kilala nor hindi niya alam.
"But you know? Aren't you curious?"
*}
BINABASA MO ANG
Deepest Secrets
Mystery / ThrillerAfter the social media war ended twenty years ago, innocent authors have been affected and a lot of things changed. They disguised and did a lot of ways just to hide their personal lives, even if it will slowly ruin person's life. But why are they...