C-19

5 0 0
                                    

Chapter 19 | Concede

"Kain ka na muna."

Umaangat ang tingin ko kay Ate Kulay na may hawak na paper cup at kutsara.

Naamoy ko agad ang bagong luto niyang sopas bago ito kinuha.

"Salamat." pilit akong ngumiti.

Tahimik lang itong umupo sa tabi ko at pinagmasdan ang nakangiting picture ni Mother Evelyn. 

"Hindi ka pa umuuwi?" tanong ko bago pinaiikot and palad sa paper cup na mainit.

Lumingon ito saakin habang naka taas ang dalawang kilay, nagtatanong ang mga mata.

Hindi ko maiwasang maguluhan.

Usual lang naman siguro 'yon since ilang araw na rin ang nakalipas.

"Ha? Ano ulit' yon?" mahina itong natawa.

Tinitigan ko ito ng ilang segundo, sinisigurado kung totoo ba ang tawang iyon, kaso hindi ko mabasa.

Ang labo.

Mukhang masaya talaga sya.

Pero bakit ang iba.

"Umuuwi ka pa o kahit natutulog man lang?" tanong ko ulit, tahimik na kikilatis ang emosyon nya o baka masyado lang akong praning para pagtuunan ng pansin ang pag ngiti niya.

"Hindi. Sayang oras." ngumiti ito at binaling ulit ang tingin sa harapan. "Tsaka parang nakakonsenya naman kung tutulugan mo ang patay diba?" 

Tinuon ko ang tingin sa sahig. 

Totoo naman ang sinabi niya at tumagos yun saakin, parang hindi man lang ako nakonsensya sa lahat ng nangyari. 

Sa lahat ng nangyayari ngayon, ako rin lang ang nagsimula. Kung hindi lang matigas ang ulo ko.

Kung sumunod lang ako.

Kung sana matagal na akong dapat naging abo edi sana hindi mangyayari ang lahat ng ito.

Gusto ko matapos na pero hindi ko alam kung bakit may pumipigil saakin sa dapat kong tapusin.

Sa nangyayari parang palapit na ako ng palapit...

"K-kuya Geb.. Kamusta?" 

"Ito.. Dati pa naman" tumingin ito sa labas at bumalik rin ang tingin saakin, "Ikaw ba?" 

Guilty pa rin. 

At hindi man lang ako nakapagsorry sa kanya sa ginawa ko noon. 

"Okay naman, maraming nag bago" pilit akong ngumiti. "Congrats pala. Alam kong late na pero yeah congrats" tukoy ko sa pagiging isa nya sa mga hereos. 

"Congrats din sayo." kumunot ang noo ko at natigilan kung para saan 'yon.

Kung titingnan, ang possibleng tinutukoy niya ay ang pagiging kasali ko sa batch. Cesar probably told him that, pero hula ko lang' yon baka may iba syang tinutukoy.

"Saan?" 

"Sa.." huminto ito na para bang nag papaanticipate "Syempre! Graduate ka na!" humalakhak siya pero I couldn't see any humour there

"Paano mo nalaman na graduate na ako?" pinigilan ko maging sarkisto pero mukhang 'yon nga ang naging ending. 

Nilapit nito ang mukha saakin at bumulong, "Marami akong koneksyon, Gie..." nakakaloko itong ngumisi at bigla nalang nagtindigan ng balahibo ko. 

Siguradong malalim ang gusto niyang ipahiwatig sa sinabi. 

Gusto ko malaman kung ano. 

Kung alin. 

Nilayo ko ang mukha ko at umiwas ng tingin, "Pwede ba tayong magusap—"

"Sayang. Kailangan ko ng bumaba dito. Saka nalang." naguguluhan akong napatingin sakanya, pagkatapos niyang pindutin ang bus stop, ay lumingon ito saakin.

 "Bye bye" binigyan nya ako ng napakabait na ngiti bago bumaba. 

“Bakit natahimik ka? Kainin mo na ‘yan, lumalamig na.” bahagya nyang tinuro ang paper cup. 

Isinantabi ko muna ang mga pumapasok sa utak ko at tinuuanan ang pagkain.

“Wala naman.” hinigop ko na muna ang sabaw bago kinain ang macaroni at agad akong natigilan sa pagnguya nang bahagya itong tumikhim.

“Allis na muna ako.” tumango bilang sagot at nang umalis na ito ay agad naman akong natigilan sa pag nguya nang may bumulong saakin.

"Nakita mo ba si Kheen?" lumakas ang tibok ng puso ko sa ginawa niya at nalunok ko kinakain ng diretso sa kaba.

"Alam mo bang bawal bumulong.." pagpipigil ko ng emosyon habang nasa harapan parin ang tingin.

"Wala akong pake dyan. Mas matakot ka sa tao. Ano nakita mo ba ano?"

Umupo ng maayos si Ernesto at seryosong nakatingin saakin.

"Hindi ko nakikita nang dumating ako."

"Nandito lang 'yon eh." nahiwagaan ako sa pagiging seryoso niya at hindi ko naiwasang magtaka at maintriga.

"Bakit mo hinahanap?"

"Importante lang."  tumayo ito at agad akong sumunod hanggang nasa labas na kami.

"Pwede akong sumama?"

"Hindi ba yan na ang ginagawa mo ngayon?" aniya habang lumilingon sa paligid. Tinapon ko ang kinainan kong macaroni soup sa basurahan at lakad takbong sinundan siya.

"Si Suan tsaka si Navi nakita mo?" tanong ko.

"Si Suan mamaya pa ang dating non. Yung isa, walang dahilan yon para pumunta dito." lumamig bigla ang boses niya sa huling sinabi, at napakagat nalang ako sa labi nang marealize na hindi pa sila okay.

"Tinawagan mo na ba?" pagtutukoy ko kay Kheen.

"Ba't tatawagan ko naman ang gagong 'yon?" tumigil ito sa paglakad at nilingon ako.

"Diba ano..Hinahanap—"

"Alam mo kung si Finavin ang gusto mong hanapin wag mo akong hanapan! Walang kwenta! " galit niya akong tinalikuran at tumakbo palayo.

Naistatwa ako sa kinatatayuan sa sinabi niya.

Bumigat ang aking paghinga habang tinatanaw ang dinaanan niya sa gitna ng kahel na langit.

Ang hina ko naman.

Babalik na sana ako nang may biglang humila saakin, tinapalan nito ang ilong at bibig gamit ang panyo na ang pamilyar ng amoy.

Dahan dahan ako nanghihina.

Bumibigat ang mga pilik mata ko na para bang may nakapatong ron na mga bato.

Nahihilo ako at gusto ko nalang matulog.

*}

Deepest Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon