A/N: The longest chapter I've ever done lol. Enjoy!
G-Onenternally |Lian
"Kainan na!!" lahat ay masayang sumimulang kumain ng hapunan.Sarap na sarap sa chop suey na niluto ni ate Kulay. Pati nga rin ang mga bata ay ganado sa pagkain ng gulay.
Ako naman ay tahimik lang na kumakain sa dulo ng mahabang lamesa.
I'm still thinking about them. Pansin ko na may galit talaga sila saakin kahit wala naman akong ginawa.
Hindi ko lang talaga maintindihan kung saan.
Kung galit sila dahil hindi ko man lang binisita si mother Evelyn, I can say that a no.
Maintindihan din naman nila ako sa trabaho ko lalo na siguradong may idea din sila kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon.
"Lalim ng iniisip." tumingala ako at nakita si Ate kulay sa gilid ko.
"Kayo din naman" walang emosyong giit ko sabay sumubo. Napabugtong hininga naman ito at umupo sa tabi ko.
"Gulong gulo ka rin 'no?"
Nilunok ko na muna ang nginunguya bago magsalita "Matagal na.", at mabilis na inubos ang pagkain na nasa plato ko.
Napansin kong tumango lang ito at lumihis ng tingin saakin. "Hindi mo sinagot tanong ko kanina" pagtutukoy ko sa usapan namin sa kusina.
"Kailangan ko pala sagutin yon" bigla nalang itong pilit na tumawa "May dahilan ako, pero hindi ibig sabihin parehas kami" dugtong nito.
"Dahilan para saan?"
"Para saan nga ba..?"napaisip ito na para bang iniintindi tanong. "Di pwedeng sabihin eh" bigla akong napalingon sa kanya nang sabihin niya yon pagkatapos tumawa ulit.
Ngayon naintindihan ko na. They're hiding something but it's not my business though.. siguro oo dahil galit sila saakin?
Tumayo ako sa pagkakaupo at pumunta sa kusina para ilagay ang plato ko sa lababo.
Pagkalabas ay biglang may nahulog na kung ano.
Nakita ko si Ernesto na parang balisa na kinuha ang nahulog na tinidor at kutsara sa sahig.
Kunot noo ko siyang inobserbahan.
Kanina lang ay serioso nito tapos ngayon ay parang pusa siyang takot takot.
Nang gumabi na ng tuluyan ay hindi pa ako nakatulog.
Malikot ang mata ko na patingin tingin sa mga sulok ng kwarto habang nakahiga.
Hindi pa ako gaanong dinadalaw ng antok at namamahay ang katawan ko kaya napagdesisyonan kong umalis sa kama at lumabas ng kwarto.
Parang dorm ang mga style ng mga rooms dito. Medyo maliwanag naman ang corridor dahil sa dim ng light.
BINABASA MO ANG
Deepest Secrets
Misteri / ThrillerAfter the social media war ended twenty years ago, innocent authors have been affected and a lot of things changed. They disguised and did a lot of ways just to hide their personal lives, even if it will slowly ruin person's life. But why are they...