C-7

39 3 0
                                    

Fantaseeker|Cesar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Fantaseeker|Cesar

"Hindi mo ba ako pa-papasukin?"

Kung hindi ko siya kamag anak, kanina ko pa ginawa ang aking totoong sadya.

"Anong ginagawa mo rito?" napangisi ako nang mapansin ang kaniyang pa-nginginig.

"Bumibisita lang."

Nakakainip. Masyadong matagal bago siya nag salita.

"Nakabisita ka na, pwede ka na umuwi" wala akong nagawa kung di ang ngumisi.

Takot na takot. Akala mo naman may tinatago sa luob.

"Easy lang Gie, kanina pa ako nag hintay sayo sa labas"

"Hindi ko naman sinabing maghintay ka. " padabog niyang binuksan ang pintuan.

Napangiwi ako nang hinarang ko ang kamay bago niya pa maisarado ang pinto.

"Wala bang pa-welcome diyan?"

Hindi niya ako sinagot. Hinayaang niya itong nakabukas at tumalikod.

Pagkapasok ay naobserbahan ko agad ang maliit niyang apartment. May isang pintuan, siguro ay CR ito dahil may sofa bed. Wala akong nakitang kusina man lang, o ni isang lamesa.

"Sa'n ka kumakain?" tanong ko habang tiningnan ang ibang gamit.

Masikip dahil sa mga drawer na pinaglalagyan ng kung ano anong bagay.

Mahina akong nabigla sa napansing wooden box na may lock sa pinaka gilid. Hindi ko napigilang mapangisi.

Naramdaman ko ang katahimikan saaming dalawa.

Nilingon ko siya na naka upo sa sahig at busy sa pag type ng kung ano sa laptop. Umupo ako sa sofa bed at sinilip kung anong ginagawa niya.

"Nag uupdate ka pala" tumango tango ako kahit hindi niya ako nilingon.

Wala akong nagawa kung 'di kunin ang atensyon niya.

Mukhang pinapabayaan niya lang ako hanggang mainip at umalis pero hindi ako magpapadala sa galawan niya.

Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. Umusok naman ito bigla.

Lumingon ako sa bintana nang mapansin ang paggalaw ng kurtina dahil sa hangin. Siguradong nalalanghap niya na ang amoy na gawa ng sigarilyo.

"Wala ka talagang magawa?" tumingin ako sa kanya nang magsalita ito pero naka tutok pa rin siya sa ginawa.

Tiningnan ko lang siya at binugahan ng usok ngunit nagulat ako nang may narinig na tunog ng bakal kaya napatingin ako sa bintana.

Hangin lang yan.
Anong kinakabading mo?

Inayos ko ang upo at bago pa lamang ako bumalik ng tingin sa kaniya ay naramdaman ko ang isang matalim na bagay sa leeg ko.

Deepest Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon