C-18

6 0 0
                                    

Chapter 18|Creep

G-Onenternally

Gulat o naguguluhan? Hindi ko alam kung alin. Sa dami na ng nababasa ko mga kung ano anong komento, I'm starting to feel the fear that I've been hiding.

My fear of the unknown fear.

-Masyado siyang malandi! Sabi ko na! Lalabas din talaga totoong ugali niya kapag nakulangan ng popularidad!

-Bago pa lang kaya wala pang alam, yaan nyo na.

-Bakit wala siyang sinasabi? O ineexplain? Totoo kasi HAHAHAHA!

-Yabang akala mo naman ganda ng sulat. Nakapayabang! Hindi ka bagay maging author!

-Sinisira niya ang batch! Bait baitan pa LOL mangpipikot rin pala WHAHAHAH para nga naman sa fame XD

-Nakuha niya pa lang inspirasyon ang kalandian para mag sulat p*ta landi pa more!

-G-Onenternally stop writing! We readers don't deserve an author like you!

Mariin ako napakunot ng noo na halos magdikit na ang kilay ko habang nag scroscroll at binabasa ang mga magugulong comments.

Biglang nag notif saakin sunod-sunod ang CIP, saktong pagkatapos kong maligo kaninang umaga, na bigla nalang ako nag trending.

Wala pa akong nakikitang pictures na nag proprove. Siguro dahil rumor lang lahat ng ito o baka dinelete?

Bahala na.

Ipatuloy ko nalang 'tong paghanap.

Kahit pinapasadahan ko nalang iba.

Pero kanina pa ako tanong ng tanong sa sarili ko kung saan to nanggaling?

Tinatamad na din ako sa pagscroll dahil nakakapagod mag basa ng mga comments.

Sanay naman na ako but I just can't resist it now—because of my curiosity.

Nakaka intriga lalo na kung false accuse.

I already understand them and they became my motivation.

Kaso..

Sakit lang sa ulo, paulit ulit yung pinag sasabi.

Biglang mariing kumunot ulit ang noo ko at seryosong tiningnan ang isang post na may iba ibang anggulo ng pagkapicture.

Mukhang nahanap ko na..

Halos parehas lang ang caption nito sa previous comment na nabasa ko.

Ilang segundo na siguro ang nakalipas na narealize ko kung sino 'tong kasama ko.

Ako at si Navi na nakatinginan sa isa't isa!

Kung hindi ako nag kakamali kagabi ito nangyari!

Napakagat ako ng kuko at napahilot sa sentido.

Paano 'to..?

>>>>>

Napakakulimlim ng langit na parang sumasabay iyon sa bigat ng pakiramdam ko.

Tahimik akong mapait na ngumisi.

Kailan ba hindi kumilimlim ang langit?

"Ito po ang sukli, Ate!", nilingon ko ang nakangiting batang babae.

"Salamat." malamunay kong sambit pagkatapos kong kunin ang sukli.

Sumulyap ang nanay nito saakin, na ngayon ay patapos na sa pagwrap ng binili kong white roses.

Deepest Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon