C-10

13 1 0
                                    

G-Onenternally|Gillian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

G-Onenternally|Gillian

Gulat, dismayado at nanginginig sa galit akong inayos ang gamit ko sa apartment.

Nagkalat ang mga ito. Ang mga damit ko ay parang ukay-ukay tapos ang drawer ko naman ay lahat bukas at ang electric fan ay nakahiga na sa sahig.

Masasabi mo talagang may nanloob dito.

I just sighed heavily and calmed myself.

Habang inaayos ang iba ay napansin kong nanduon parin ang laptop sa dati pero ang nakakapagtaka lang ay hindi ko na makita ang wooden box.

Mabuti nalang nilagay ko sa ilalim ng sofa ang envelope na laman nito.

"Mas mahal pa nga to kesa sa box na yon." sabi ko sa sarili sabay kinuha ang laptop

Medyo nakakagulat lang dahil siguradong matalino ang tao na yon dahil kahit anong checked ko wala akong nakitang ni isang sign na ginalaw to.

Bigla kong naalala ang maliit na camera, na nilagay ko sa sabitan ng kurtina.

Kinuha ko ang SD card duon at nilagay sa flashdrive sabay plugged in sa laptop.

Napaisip ako bigla habang nag l-loading.

Jela maybe already expected this. Ayokong i-question pa kung bakit.

She did a lot for me and I don't want to doubt her about that. She's been with me in five years, kaya dapat sana may ginawa na siya nuon pa.

Isa lang ang masasabi kong pumasok dito at mukhang sinadya niya pa maging obvious.

"He really knows me too well" wala sariling sabi ko habang nir-replay ang part kung saan lumingon siya sa camera.

>>>>

"Tao po.." nakailang katok na ako at kakasabi niyan pero ni isa walang nag bukas ng pinto. Nasa tapat lang naman ako ng bahay nila uncle Joaquin nuon.

"May tao po ba jan-"

"Walang taong nakatira dyan" bigla akong lumingon sa likod ko nang may nag salita. Naka angkas ito sa bike at seriosong nakatingin saakin.

"Eh bukas yung ilaw sa luob tsaka wala naman lock" sumulyap pa ako sa may bintana at bahangyang tinuro.

"Bahala ka." inis niya akong tiningnan at ako naman ay pinipigilan magsalita. Masyadong iritado ang lalake na to.

"Alam mo ba kung saan sila lumipat?"

"Malay ko naman" aniya at handa umalis.

"Teka.." nakakunot itong lumingon saakin "You look familiar by the way" tipid akong ngumiti at binalik ang tingin sa bahay.

Masyado na rin pala talaga itong luma. May parts na inaanay na tapos madami naring dahon at sabayan pa memories.

"Tragic memories." napailing nalang ako sa sinabi ko at tumalikod.

Deepest Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon