G-Oneternally|Gillian
Pagod ang katawan at puyat ang mga mata, akong pumasok sa room.
Hindi ako natulog kagabi dahil pag re-read ng notes. Final exam na kasi namin ngayon as a student at pagkatapos ng buwan na to graduation na.
Umidlip ako sandali pero nagising rin dahil sa ingay ng chismisan at ng katabi kong si Jela.
Pabagsak ang mga mata kong tiningnan ang maliit na orasan na naka attached sa table ko.
Limang minuto lang pala ako nakatulog.
Uminom ako ng tubig at kinusot kusot ang mata para mawala ang antok ko.
Bumalik sa isip ko ang exam kaya naman kunot nuo kong tiningnan ang mga ka-blockmates.
Napansin ko si Jela na nakatingin sa harapan.
Mahina itong natawa ng mahinhin at ngumiti na akala mo ay may pinapanuod na nakakakilig.Tumingin naman ako sa harapan.
I saw Kheen, fixing a mini device.
"Anong oras ba exam?" naiirita kong inagaw ang atensyon ni Jela habang kinakamot ang gilid ng labi.
Nakangiti itong sumulyap saakin "May emergency meeting ang mga professors", at bumalik din agad sa pagtingin sa harapan.
"Wag mong inaasar ang bagong gising" narinig kong sabi ni Kheen na ngayon ay nasa tapat na namin.
Dumapo ang paningin niya saakin at parang gulat na gulat na bumalik sa upuan niya.
May kinuha itong red paper bag. Chineck niya pa ang laman nito bago binigay saakin.
Tinanggap ko naman at tiningnan ang laman.
"Happy Birthday!" he cheerily greeted.
"Open it" aniya at ngumisi. Lumingon naman saakin si Jela na nakapalumbaba.
Hindi ko siya pinansin at binuksan ang regalo.
Di ko maiwasang ma pangiti pero nag laho ito ng paunti-unti nang tumambad saakin ang C battery keychain.
"Serioso ka ba?!" napabulaslas ko habang dismayadong tinitingnan ang eleganteng red box at paper bag na pinag lagyan ng regalo.
Saan ko naman kaya gagamitin ang battery na 'to?
"Yan din diba niregalo nya sakin last year!" Jela rolled her eyes "Hindi ko naman nagamit. An'daya lang!" sabat pa nito.
"Hindi ka kasi marunong" giit ni Kheen.
Napakibit balikat nalang ako at inobserbahan ang C battery.
Impossible na mag r-regalo siya ng walang kwentang bagay.
"Ikaw anong regalo mo?" wala sariling napatanong ako kay Jela.
"Mamaya!" napakalas ang boses niya kaya napatingin ako sa kaniya .
BINABASA MO ANG
Deepest Secrets
Mystery / ThrillerAfter the social media war ended twenty years ago, innocent authors have been affected and a lot of things changed. They disguised and did a lot of ways just to hide their personal lives, even if it will slowly ruin person's life. But why are they...