G-Onenternally|Gillian
Ang mga araw na nag daan ay napuno ng pagluluksa.
Iyakan, katahimikan, at mga alaala na inuumpisahan na naming kalimutan.
Ilang araw na rin nakaburol si Mother Evelyn pero hindi ko parin matanggap.
Para kasing kanina lang kami nag uusap ng masinsinan, parang kanina lang nakita ko siyang ngumiti, at parang kanina lang ay may sinabi siya na pwede akong mawala ng landas, pero nakakatawa kasi siya pa ang unang nawala sa mundo.
Gusto kong sisihin sarili ko, pero tapos na eh! Wala na siya! dapat kasi binisita ko lang naman siya nuon pa..
"Hey.." napalingon ako sa tabi ko nang may nagsalita.
Nakita ko si Suan na may hawak na panyo at nakangiti pero malungkot naman ang mga mata.
"Basangbasa na ang leeg mo sa luha mo- 'o " pagaalok nya ng panyo.
Agad naman ko naman kinapa ang pisngi ko papunta sa leeg.
Napabugtong hininga ako at kinuha ang panyo.
"Yung mga bodyguards mo parang mga tuta HAHAHA" pilit akong tumawa at umiwas ng tingin habang nagpupunas.
It's just weird and awkward. Hindi naman kasi kami nag uusap pero bigla kaming naging close ngayon.
"Yeah-"
"Nakikiramay po kami." sumulyap ako ang kakapasok lang na si Jela at Zully.
Hindi na ako nagtaka kung bakit siya nandito. Siguradong nalaman niya nanaman kay Kheen.
Pilit akong ngumiti nang lumingon sila saakin. Lumapit si Jela at bigla akong niyakap.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Iiyak ba ako o ano. Masyadong abala ang utak ko sa biglang pag pasok ng mga pulis.
"Gillian Gutierez. Kailangan ka po namin sumama samin sa prisinto." maawtoridad na sambit ng isang pulis na agad ikinatigil ni Jela at sabay kumalas sa pagkakayakap saakin.
"B-bakit naman po?" kunot ang noo kong tanong.
Malakas nanaman ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
"At ako hindi?" biglang sumulpot si Ernesto sa tabi ko.
Nakita ko na lumapit rin si Mang Pako na namumugto ang mga mata. Napakagat nalang ako ng labi nang makita ang situation niya ngayon.
Napabugtog hininga ang dalawang pulis sa harapan namin,"Kinakasuhan ka namin sa salang pagpatay kay Evelyna Domenica." at nilabas niya na ang handcuffs.
Rinig ko ang bulungan sa paligid pero ako ay tulala lang sa harapan at pilit na nirerehistro ang kanyang sinabi.
'Ni hindi ko maintindihan dahil ang bilis ng pangyayari.
BINABASA MO ANG
Deepest Secrets
Mystery / ThrillerAfter the social media war ended twenty years ago, innocent authors have been affected and a lot of things changed. They disguised and did a lot of ways just to hide their personal lives, even if it will slowly ruin person's life. But why are they...