C-8

25 2 0
                                    

G-Onenternally|Gillian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


G-Onenternally|Gillian

Anong ginawa mo?!"

Nagitla ang batang babae sa gulat at dali-daling pinunasan ang natapon na tsokolate sa kahon na de kahoy.

Mabilis naman ang mga hakbang ng isang ginang papalapit dito. Kinuha niya ang kahon at malakas na tinulak ang bata.

"Alam mo ba kung gaano kahalaga ito?!" sigaw ng ginang at maingat na nilagay sa kama ang kahon.

Nanginig naman ang buong katawan ng batang babae dahil sa kinuha ng ginang na walis. "H-hindi ko naman p-po s-sinasadya-" nauutal niyang sabi.

"Hindi sinasadya?!" sapilitan siya pinadapa ng ginang sa sahig. "Wala ka na talagang magawang tama!"

"S-sorr-ARAY p-po! Hindi ko na po uuliten!" walang nagawa ang batang babae kung'di ang umiyak.

Bigla itong mariin na napapikit nang maramdaman ang pagkahampas nito.

"Huwag ka kase nangengealam ng bagay na hindi sayo!" sumigaw nang sumigaw ang bata kahit alam niyang walang tutulong sa kaniya.

"M-ma anong nangyayari-GIE?!" isang pamilyar na boses galing sa hindi ka layuan ang kaniyang narinig.

Liningon ito ng kaniyang tiya, hudyat ng tyansa para maisaksak ng batang babae ang tagiliran nito, gamit ang bakal na nakita niya sa ilalim ng kama.

Napasigaw ng malakas ang ginang kaya mabilis naman lumapit ang panganay na anak.

"Kuya Geb?" naguguluhang sabi ng batang babae.

"B-bakit may d-dugo ka m-ma..?" imbis na sagutin siya nito ay hinawakan lang siya sa balikat ng kaniyang ina na nakaupo na sa sahig.

"M-ma naman eh.."nag simula nang umiyak ang binatang lalake dahil sa sitwasyon na hindi niya maintindihan.

"T-tawagin mo p-papa mo" hinang hina na pinunasan ng ina ang mga luha ng kaniyang anak at hindi ininda ang sakit at galit na nararamdaman.

Tumayo ang binata at agad na lumabas ng kwarto para hanapin ang kanyang ama.

"Auntie" umiiyak na lumapit naman ang batang babae sa tiya "s-sorry po.."

"U-umalis ka sa h-harapan ko.." nagpipigil ng inis na sabi ng ginang at tiningnan ang bakal na nakatusok pa rin sa kaniyang tagiliran.

Napasinghap siya nang hawakan ito ng batang babae. "Pagagalingin ko po k-kayo."

"A-anong-" malakas na pumalahaw sa sakit ang ginang nang tinanggal nito ang bakal.

Deepest Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon