C-14

27 1 0
                                    

G-Onenternally|Gillian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

G-Onenternally|Gillian

What just happened?

Pagmulat ko pa lang ng mata ko ay bumungad saakin ang maliwanag at nakakasilaw na ilaw. Hindi ako gumalaw at pinilit na nirerehistro ang nakakapangilabot na nangyari.

Simula sa pagdoorbell ng lalakeng may neon red na baseball cap...

Yung package...

At biglaang niyang marahas na pagkilos-

Muling bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang buong kaatawan. Mariin akong napapikit at napahawak sa ulo nang makadama ng pagkahilo.

Agad akong naidilat ang mga mata dahil sa 'di maintindihang takot nang marining ang kakaibang ugong na nag mula sa labas. Napabangon ako nang kumidlat at mahinang napabalikwas sa gulat nang kumulog ng napakalakas.

You got goosebumps with that simple thunder.., really huh?

Napailing ako at dahan dahang hinaplos ang braso nang nagtindigan ang aking balahibo.

Sunod-sunod ang paglunok ko habang nililibot ang tingin.

Nasaan ako..?

Pamiliar ang kwarto na ito. Sa amoy pa lang at pagkaayos ay parang hospital room.

Mabilis akong umalis sa kama nang mapansin ang cellphone ko sa coffee table. Nanginginig ang kamay 'kong dinampot 'yon at 'di mapakaling hinanap ang number ni Detective Salva pero bago ko pa lamang ito mai-dial ay bumukas na ang pinto.

"N-navi.." the corner of his red lips rose up.

"You awake? Uh-Alam kong magugutom ka paggising mo kaya binilhan kita ng pagkain" tinaas niya ang paper bag na may logo ng isang restaurant. "Pasensya na kung wala ako nang nagising ka" aniya at nilapag ang paperbag sa coffee table.

"Paano nanaman ako napunta sa hospital na 'to?" walang paligoy ligoy kong tanong sabay inobserbahan ang ngiti niyang 'di ko masabi kung totoo.

Gusto kong malaman kung siya ang nag utos sa lalake kagabi o kung bakit niya man 'to ginagawa.

He's playing around and I want to know what's behind that soft smile.

"hmm.." he just hummed, ignoring my question and making me confusedly mad!

"Ano ba?! Finivan Herres naman! Pabalik balik nalang ako dito tapos...P*ta! Hindi ba kayo napapagod?!" nairita ako bigla.

Wala akong makuhang reasons kung bakit nalang ako pinagtritripan ng mga ito.

Bakit ba binibitin ang mga sinasabi?!

Una si Cesar, si Kheen tapos ngayon siya?! Isali pa si Suan at Ernesto. Konti nalang talaga ay, iisipin kong magkakasabwat sila.

Deepest Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon