Chapter 4 [UNEDITED]

62.9K 1.9K 290
                                    

***



"Sav, let's eat. Nagluto si Shania ng adobong manok. 'Di ba, favorite mo 'yon?"

Mula sa pagkakadapa sa aking kama ay napatingin ako kay Kuya Steve na ngayon ay nasa tapat na ng pintuan ko. Nilagay ko sa gilid ng bed ko iyong remote ng aircon na kanina ko pa nilalaro at tumayo na. "Kuya, may gig ako later."

"What time? Kumain ka na muna."

Napatingin ako sa wristwatch ko, alas otso na pala, "ten. Pagamit naman ng isang sasakyan mo, Kuya," ayokong magcommute papunta sa bar. Medyo malayu-layo rin kasi iyon tapos kung wala akong matipuhang babae mamaya siguradong malayo rin ang uuwian ko.

"We'll talk about that later. Kumain na muna tayo, kanina pa nakahanda ang mga pagkain. Nandoon na rin si Shan."

Gusto kong tanungin si Kuya kung masungit din ba sa kaniya ang kaniyang asawa pero nanahimik na lang ako. Makikita ko rin naman mamaya kung paano silang dalawa sa hapagkainan.

Nang makalabas si Kuya sa kwarto ko ay lumabas na rin ako. Pagkarating namin sa dining table ay naroon na ang kaniyang asawa at nakaupo, halatang hinihintay kami. Ang classy niyang umupo, para siyang artista na sinusubaybayan ng mga camera ang bawat kilos niya kaya dapat walang mali sa kahit na anong galaw niya, dapat tuwid lahat. She's like that. Pero kapag wala na iyong camera ay doon mo makikita iyong tunay niyang pagkatao, iyong kasungitan niya. She's classy but irascible.

"Shan, kilala mo naman na siguro ang kapatid ko, 'di ba?" Biglang tanong ni Kuya sa asawa niya nang makaupo kami.

Kumuha ako ng kanin at nilagay ko iyon sa plate ko maging iyong chicken adobo na niluto niya habang hinihintay ang sagot nito sa kapatid ko.

She just nodded at hindi umimik. So, ganito nga talaga siya? Hindi lang sa akin kundi pati na rin sa kapatid ko. I feel pity for my brother, maganda nga ang napangasawa niya o ang pinakasal sa kaniya, ganito naman kalamig at kasungit.

"Sav, saan nga ulit iyong gig mo?"

"Sa Ace. May balak ka?" Tanong ko habang sumusubo.

Ang sinabi ni Kuya kanina ay si Shania ang nagluto nitong adobong manok. Seryoso ba siya? Okay, sige na. Masungit siya, cold, at hindi ko gusto ang ugaling pinapakita niya pero ibang klase itong niluto niya. Sobrang sarap. Mas lalo ko pang naging paborito ito dahil sa sarap ng pagkakaluto niya rito.

"Shan, gusto mo bang pumunta?" Tanong ni Kuya sa kaharap kong asawa niya.

"Ikaw? Are you going?"

Medyo nasamid ako dahil sa pagtanong niya sa Kuya ko. Hindi ito kagaya ng pakikipag-usap niya sa akin. Yes, may pagkacold pa rin pero may kaunting lambing iyong boses niya nang tanungin niya si Kuya.

"Tara. Gusto ko ring makitang kumanta itong kapatid ko. Matagal na rin."

Ngumiti ako. Buti at naaalala pa niya iyon. Halos ilang taon na rin niya akong hindi napapanood at napapakinggang tumugtog. Pero sa buong pamilya namin siya lang talaga ang sumuporta sa akin pagdating sa musika. Kaya blessed pa rin naman kasi nariyan siya. Siya iyong pumupuna minsan sa mga pagkukulang nila mommy sa akin.

"Anong oras usually natatapos ang gig mo, Sav?"

"Depende, Kuya. Monday ngayon so baka maaga. Mga 12 ganon. Pero kapag masyado nang late you can go home without me. Makikitulog na lang ako sa mga kaibigan kong malapit do'n kung sakali."

"We'll wait for her, right?"

Nagulat na naman ako sa sinabi niya. What's with her? Kanina lang ay todo sungit siya sa akin tapos ngayon, siya pa ang nagsasabi sa Kuya kong hintayin ako. Ano? Pakitang tao sa harap ni Kuya?

My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon