Chapter 51 [UNEDITED]

55.5K 1.8K 1.1K
                                    

***









Huminga ako nang malalim habang hinihintay ko ang pagsakay ni Shania. Hindi pa rin mapakali ang puso ko, parang pinagsisisihan ko ang ginawa ko kanina. Hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko.








God, Savien. Tatlong taon na ang nakalilipas, babalik ka na naman ba sa nakaraan?








Nang makasakay siya ay walang imik kong pinaandar ang sasakyan. Ang mga mata ko ay nasa daan lang pero iyong isip ko ay kung ano na naman ang iniisip. Bumabalik na naman ba ako sa dati?










"How are you, Savien?"








Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng sasakyan ko nang marinig ko ang tanong niyang iyon, "I'm okay," tipid na sagot ko at kinagat ko ang loob ng ilalim ng labi ko.








Matapos mo akong saktan at paasahin tatanungin mo ako kung kumusta ako? Aba!








Bakit ba kasi hindi ko pinaghandaan ang bagay na ito? Bakit hindi ko man lang naisip noon na makakaharap ko ulit siya? Na babalik din siya rito sa Pilipinas? Kung sana ay noon pa lang pinaghandaan ko na 'to, siguro hindi ako ganito ngayon.








Bumuntong hininga ako, "you?" Tanong ko sa kanya makalipas ang ilang minuto, "kumusta ka?"







Hindi siya umimik pero ramdam ko ang pagtitig niya sa akin sa passenger seat. Binalewala ko na lang iyon at mas binilisan ang takbo ng sasakyan ko. Mabuti na lang at hindi traffic ngayon, nakikisama kaya mabilis kaming nakarating sa condo unit ko.








"Dito ka na lang muna sa room ko habang inaayos ko 'yung kabilang kwarto. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako," sambit ko at aalis na sanang nang muli niyang hawakan ang kamay ko, "bakit?" I tried to calm myself para hindi mautal.









"I'm sorry."








Hinintay ko kung may idadagdag pa siya pero wala na. I faked a laugh, "sorry? Para saan? Dahil sa nangyari tatlong taon na ang nakararaan? Tagal na no'n. Actually, limot ko na nga, e. Wala na 'yon. Kalimutan mo na rin. Sige na," tuloy tuloy na wika ko at ngumiti bago tuluyan nang lumabas sa kwarto.









Pinakawalan ko ang hiningang kanina ko pa pinipigilan at nilagay ko ang kamay ko sa bandang dibdib ko dahil naninikip na naman ito. Huminga ako nang malalim at pilit pinakalma ang sarili ko. Kalma, Savien.









Dumiretso ako sa kusina para makapagluto na dahil sigurado akong pagod siya at hindi pa kumakain. Balak kong magpadeliver na lang o mag-order online pero gusto kong magluto ngayon para kahit papaano ay madivert ko sa ibang atensyon ang mga iniisip ko.









Nang matapos akong magluto ay huminga muna ako nang malalim bago dumiretso sa kwarto ko na kung saan nagsstay ngayon si Shania. Bukas ang pintuan kaya nakita ko agad siya, she's now sleeping peacefully, pagod nga talaga siya. Gigisingin ko ba?







Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lapitan siya, basta nahanap ko na lang ang sarili kong nasa harapan na niya at nakatitig na sa kanya. Napalunok ako. Mas gumanda siya lalo at pumuti, iyong mahaba at hanggang bewang niyang buhok dati ngayon ay lagpas balikat na lang, nagpagupit siya at bumalik iyong dating itim na kulay nito, gaya noong una ko siyang nakita. Ganoon pa rin ang katawan niya, payat pa rin at sexy tignan. Ang isa pang napansin ko sa kanyang hindi nagbago ay iyong kalamigan niya, wala pa ring kaemo-emosyon, at mahirap pa ring basahin.







My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon