Chapter 34 [UNEDITED]

51.3K 1.7K 1.3K
                                    

***






"Ma'am, kanina pa po tumigil ang bus. Nandito na po tayo sa Tug–"




May narinig akong isang lalaking nagsalita pero parang may pumutol sa kaniya kaya natahimik siya. Hindi pa ako nagmulat ng mata dahil antok na antok pa rin ako. Buong byahe ata ay nakatulog ako.





"Ay, sige po, madam. Take your time."





Kahit inaantok pa ay minulat ko na lang ang mga mata ko at laking gulat ko nang makitang wala ng ibang tao dito sa loob ng bus kundi kami na lang ni Shania ang nakasakay.




"Bakit hindi mo ako ginising?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko kay Shania.




"Ang sarap ng tulog mo," sabi lang nito at tumayo na, hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang kamay ko, "tayo na," sabi nito at hinila pa ako nang mahina.




"Kanina pa ba tayo nakarating?"




Tumingin siya sa wristwatch niya bago ako sinagot, "almost an hour."




Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung tumawag na sila Charles. Napalunok ako nang makitang sobrang dami na ng missed calls na nanggaling sa kanila. Agad ko silang tinawagan at wala pang ilang ring ay sinagot na nila ito.




"Asan na kayo? Kanina pa kami rito sa terminal," tila nababagot nang sambit ni Charles sa kabilang linya.





Tumingin ako sa labas mula sa bintana at agad silang nakita. Pinatay ko na ang tawag saka kinuha ang bag namin at hinila na pababa si Shania. Nang makalabas kami ay agad kaming nakita ni Charles, kasama niya ngayon si Bianca na halatang naiinis na dahil sa tagal ba naman nang paghihintay nila sa amin.




Agad nawala ang galit sa mukha ni Charles nang makita niya si Shania, "Hi, Ate Shan. Buti nakapunta ka," sabi nito at kinuha ang bag namin.





"H-hi," nahihiyang bati naman ni Bianca nang mapagtantong kasama ko iyong nagligtas sa kanya noon.




Tinanguan lang siya ni Shania at sumakay na sa backseat. Binelatan ko si Bianca and she just rolled her eyes at me kaya natawa na lang ako.




Nang makarating kami sa bahay nila Harris ay agad nang may nakahandang mga pagkain, sinalubong din kami ng isang binata niyang kapatid at ng parents niya. Tuwang tuwa pa sila nang muli nila akong makita.



"Hindi ka pa rin nagbabago, Ate Savien. Ang ganda mo pa rin," pambobola ng kapatid ni Harris sa akin na si Harold.




Ginulo ko ang buhok niya, "sorry wala akong cash," natatawang sambit ko.




"Ah, nga pala. Si Ate Shania nga po pala iyong kasama ni Savien. Ate Shan, parents ko tapos si Harold, kapatid ko," pagpapakilala ni Harris kay Shania.




Siniko ako nila Rafael nang makita nilang ngumiti si Shania sa parents ni Harris. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan din ang pagngiti.




"Bakit Ate ang tawag mo sa kanya, eh, mukhang mas matanda ka pa tignan kaysa sa kaniya," nakangiting sabi ng daddy ni Harris kaya natawa kami.





"Padagdag nang padagdag ang magagandang babaeng dinadala mo rito, Harris, hindi mo naman sila nobya," natatawang sabi ni tito Henry na daddy ni Harris.




"Mahina po kasi 'yang anak niyo, tito," sabi ko para asarin ang anak nila.




"Nirereto ko po itong pinsan ko pero pareho po silang choosy," gatong naman ni Charles kaya sinamaan siya ng tingin nung dalawa.




My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon