***
Bago pa man ako makasagot ay hinila na ako ni Shania palayo sa mga kasama namin hanggang sa makarating kami sa kwarto na tutulugan namin. Napasinghap at nagulat ako nang marahan niya akong sinandal sa pader. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mukha niyang pulang pula na maging ang tenga niya, pumupungay na rin ang mga mata nito. Halatang lasing na nga.
"Shania, what are you doing? Bakit mo ako hinila palayo do–"
Natigilan at natahimik ako nang sinandal niya ang kanyang ulo sa kabilang balikat ko. Ilang sandaling ganoon ang ayos namin.
"A-are you okay?"
Napalunok ako nang muli niyang inangat ang ulo niya at tinignan ako sa mata. Seryoso at malamig na naman ang mga tingin niya sa akin. Pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa, kinilabutan ako nang ipasok niya ang isang kamay niya sa loob ng damit ko hanggang sa dumapo ang palad niya sa dibdib ko.
Dahil sa ginawa niyang iyon ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Gusto ng isip kong pigilan siya sa ginagawa niya at itulak siya palayo pero hindi iyon ang gusto ng katawan ko. Unti-unti akong nakaramdam ng init, siguro dala na rin ito ng alak.
Naramdaman ko ang paggalaw ng palad niya sa loob ng damit ko and I felt her fingers played with my nipple. Napapasinghap na lang ako sa ginagawa niya at sa tingin ko ay pulang-pula na rin ang buong mukha ko ngayon. I bit my lower lip para pigilan ang paghinga ko.
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin pero bago pa man magdikit ang mga labi namin ay naitulak ko na siya nang mahina dahil narinig ko na ang mga hakbang sa labas papunta rito. Lumapit ako sa bag ko at kunwaring may kinuha nang bumukas na ang pintuan ng kwarto namin.
"Ayos lang ba kayo?" May pag-aalalang tanong ni Harris.
Napalunok ako bago inangat ang tingin ko sa kanya. Kasama na niya ngayon si Bianca na sa tingin ko ay lasing na rin dahil namumula na ang magkabilang pisngi nito. Tinanguan ko lang si Harris at napasulyap ako kay Shania na ngayon ay nakatayo pa rin habang nakatingin sa akin kaya agad akong nag-iwas.
"Shower lang ako," paalam ko sa kanila at kumuha na ng damit na pamalit.
"Sama ako," parang batang sambit ni Bianca na sinamaan ko agad ng tingin.
"Itulog mo na 'yan, Bianca. Sige na, magpahinga na kayo. Mag-iinuman pa kami ro'n," tumigil si Harris at muling tumingin sa akin, "baba ka lang kapag gusto mo pang mag-inom."
Umiling ako, "hindi na, matutulog na ako after kong magshower."
He nodded at binalik ang tingin kay Shania, "uh, ate Shan. Pasensya ka na sa mga pinsan ko," kakamut-kamot ng ulong sambit nito na tila nahihiya pa.
Tumango lang si Shania bilang sagot kaya nagpaalam na ulit si Harris sa amin saka na umalis. Pumunta na rin ako sa bathroom para makapaglinis at nang matapos ay sumunod sa akin si Shania.
Nang mapatuyo ko ang buhok ko ay hinintay ko munang matapos si Shania bago humiga sa kama. Naglaro na muna ako sa cellphone ko at nang matapos siya ay sunod si Bianca sa banyo kaya dalawa na lang ulit kami ni Shania ang naiwan dito.
"N-nahihilo ka ba?" Tanong ko sa kaniya nang mapansing hinihilot niya ang sentido niya.
Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin bago tumango.
BINABASA MO ANG
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
RandomSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020