***
Para akong tangang nakatingin sa kamay ko ngayon at maya't maya ay napapahawak ako sa sarili kong labi. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nawawala sa isipan ko. Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil dito.
It's already 12 midnight at hanggang ngayon ay gising pa ako at ni konting antok ay wala akong maramdaman. Siguro dahil nasanay akong laging madaling araw na natutulog because of my work.
Malakas din ang ulan simula kaninang makauwi kami at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil. May bagyo ba? Masarap sanang matulog ngayon dahil sa naririnig kong raindrops kaso ay hindi pa talaga ako inaantok.
Kumusta na kaya ang mga kabanda ko ngayon? For sure naman ay kaya nila 'yon kahit wala ako. Hindi lang sila magaling tumugtog ng iba't ibang instruments kundi marunong din silang kumanta kaya kahit wala ang vocalist sa banda ay nagiging succesful pa rin ang gig.
Kinuha ko ang aking cellphone sa ilalim ng unang ko nang maramdaman ko itong nagv-vibrate. Pagtingin ko ay tumatawag ang numerong hindi ko malaman kung kanino. Agad ko itong pinatay dahil hindi ko naman kilala kung sino pero wala pang ilang segundo ay may nareceive akong text message.
From 09*********:
This is Bianca. Badly need your help.
Bianca is Charles' cousin. Napakunot ang noo ko dahil sa text niya. Anong kailangan nito sa ganitong oras? At ako pa talaga ang naisipan niyang hingan ng tulong.
"What do you need?" Tanong ko nang muli siyang tumawag.
"Nasiraan ako ng sasakyan-"
"Oh, tapos?"
"Patapusin mo nga muna ako," tumahimik ako at hinintay siyang magsalita ulit, "sobrang lakas ng ulan at sobrang layo pa nitong kinaroroonan ko ngayon sa bahay ko. Please, Sav. Sunduin mo ako."
I rolled my eyes kahit alam ko namang hindi niya iyon nakikita, "sa dami ng pwede mong hingan ng tulong at tawagan ako pa talagang naka-one night stand mo lang?"
Pinatay ko na ang tawag. Ibaba ko na sana ulit ang phone ko nang may mareceive na naman akong text message. Bumuntong-hininga ako at binuksan iyon nang makita kong si Charles ang nag-text. Kailan ba ako matatahimik?
From Charles:
Sav, please, pasundo si Bianca. Hindi ako makaalis dito sa bar.
Ginulo ko ang buhok ko. Paano ko siya susunduin? Eh, wala nga akong sasakyan. Bahala sila dyan. Pipikit na naman sana ako pero may nagtext ulit.
From 09*********:
Hindi ka sana patutulugin ng konsensya mo.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa text ni Bianca sa akin.
To 09*********:
Send me your location rn.
Kumuha ako ng jacket at lumabas na ng kwarto ko pero saka ko lang ulit naaalalang wala nga pala akong sasakyan. Nang makalabas ako ay napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Shania.
Gising pa kaya siya? Anong oras na at baka tulog na.
Paano ko masusundo ang babaeng 'yon?
BINABASA MO ANG
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
RandomSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020