***
Christian L.:
11:43AM
Are u busy?
How are you?
Mrdyp
Im oj
Wow, di halatang busy. Teka, lasing ka ba?
*medyo
*I'm okay
Na-typo lang laskng na?
*lasing
Tanginang. Naghuhugas kasi ako.
Hahaha. Masyado kang nagtitipid, kailan mo balak palitan yang cellphone mo?
Ayos pa naman tong cellphone ko. Basa lang kamay ko kanina kaya ganon
Bumili ka ng waterproof.
Bakit ba napunta sa cellphone ang usapan
Ayoko. Sayang pera
Aba. Malay ko sa 'yo
Kasama mo siya?
Kailan pa siya jan? Bat di mo sinasabi
What did she say to u
No. Umalis siya. Hindi ko alam kung saan pumunta.
Nagising akong wala na siya sa tabi ko.
Almost a week.
Gaano ka karupok Savien?
Rate yourself from 1-10
Ako na ang sasagot
Nasa level 107281919636372 na ang karupukan mo sa kanya
Manahimik ka.
Nagtabi lang.
Wala akong lakas kagabi para itulak siya.
Napasabunot ako sa sarili ko. Bakit ba kasi sinabi kong nagtabi kami? Nilayo ko saglit ang cellphone ko sa akin dahil ayaw kong mabasa ang sunod na reply sa akin ni Christian pero wala pa mang ilang saglit ay tumawag na ito. Hindi ko tinignan ang screen ng cellphone ko nang sagutin ko ito.
"Ano na naman? Hindi ako marupok, okay? Sadyang wala lang talaga akong lakas para–" natigilan ako nang makarinig ako ng tikhim, hindi iyon kay Christian. Tikhim iyon ng isang babae. Gulat at nanlaki ang mga mata kong muling tinignan ang screen ng cellphone ko, "shi–Shania?" Shit!
"Here."
"Hello, Savien?"
"K-kuya? Nandito ka na sa Pilipinas?" Gulat na tanong ko nang marinig ang boses ni Kuya sa kabilang linya. He's with Shania.
"Obvious ba?" Tumawa siya, "sabi ni Shania sobrang sarap daw ng tulog mo kaya hindi ka na niya ginising para samahan siyang sunduin ako."

BINABASA MO ANG
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
De TodoSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020