***
Bumuntong-hininga ako habang tinitignan ang hawak kong cellphone. Ilang araw na rin ang nakalilipas simula nang maibangga ko ang sasakyan ni Shania sa sasakyan ni Christian na ngayon ay naghihintay nang pumayag akong makipag-dinner date sa kaniya bilang kabayaran sa nasirang sasakyan niya.
Mukhang malala nga ang sira at gasgas ng likod ng sasakyan niya dahil malaki ang bayad nito, lalo na't hindi basta-basta ang sasakyan ng gago. Saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking pera? Ni wala pa nga iyong sahod ko sa paggigig, 'tsaka hindi pa rin iyon sapat. Kahit siguro ibigay ko na ang limang buwang sahod ko.
Sa tingin ko naman ay hindi talaga niya 'yon ipapabayad sa akin ng pera. All he wanted is me, ang mapapayag niya ako sa dinner date na 'yan. Mukhang tama nga si Rafael, malakas ang tama ng gago sa akin. O baka wala lang siyang mapagtripan?
Napapikit ako nang marahan at nang muling magmulat ay sinend ko na ang reply ko sa kaniya.
Gago:
Fine. Let's go.
Nang masend ko iyon ay agad akong nakatanggap ng tawag galing sa kaniya pero bago ko pa man masagot ay may kumatok na sa pintuan ko. Pagbukas ko ay tumambad sa akin si Shania na bagot na bagot ang itsurang nakatingin sa akin.
Naka-messy bun ngayon ang kulay ash grey niyang buhok kaya kitang-kita ko ang kaniyang makinis na leeg at collarbone.
"Steve is waiting for you and the dinner is ready."
Napakamot ako sa aking ulo, "I have a dinner date–"
Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay tumalikod na siya at umalis. Aba, gago ba siya? She's always doing that, that as if I'm just talking nonsense. Ganoon ba ako kaboring kausap?
Tinignan ko siya nang masama mula sa kaniyang likuran. Kailan ba magbabago iyong pakikisama niya sa akin?
Pinagsawalang bahala ko na lang iyon gaya ng lagi kong ginagawa at nag-ayos na. Tutal ay katatapos ko lang din namang maligo kanina ay magpapalit na lang ako ngayon.
Muli kong tinignan ang cellphone ko. And there I saw the message of Christian, sinend niya sa aking ang address ng condo niya. Ako ang nagsuggest na doon na lang kami para iwas sa mga paparazzi niya at sa mga fans niyang maissue.
"Kuya, baka hindi ako uuwi ngayon dito," paalam ko kay Kuya nang makababa ako.
Nasa dining room sila ngayon kasama ang kaniyang asawa na tahimik lang habang kumakain sa harap ni Kuya.
Tumingin si Kuya sa akin, "saan ka magsstay?"
"Kay Christian, one of my frien–"
"Sav, nahihibang ka na ba? Lalaki 'yon tapos sa kaniya ka magsstay?"
Maging si Shania ay napatingin na rin sa akin. Wala naman akong balak makipagsex doon sa lalaking 'yon, isa pa he promised na dinner date lang ang mangyayari. Siguro naman ay takot siyang may gawin pang iba sa akin. He's an artist, siguradong aalagaan no'n ang reputasyon niya.
"Kuya, malaki na ako."
I heard a sound of 'tsk' from Shania kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi na siya nakatingin ngayon sa akin at nagpatuloy na ulit siya sa pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/223022233-288-k722414.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
RandomSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020