***
Tumigil ako sa pags-strum at muling sinulat ang gagamitin kong chords sa kantang sinulat ko. Tapos ko na ito at iyong tono na lang niya ang inaayos ko. Maya't maya ay pwede nang tugtugin at kantahin.
"Charles, mababa o mataas?" Tanong ko kay Charles na ngayon ay nag-aayos sa stage.
Saglit niyang binaba ang hawak niyang electric guitar at lumapit sa akin saka tinignan ang papel na nasa mesa. Yumuko pa ito para maituro iyong part ng kanta, "I think, mas better kapag iyong chorus ang mataas. Tapos ito, medyo mababa. Uy, ayos 'yan gawing rock, ah."
"Patingin," lumapit ang iba pang mga kabanda ko sa amin ni Charles at tinignan din ang sinulat kong kanta.
"Oy, bakit ganyan? Mapanakit iyong lyrics," sambit ni Rafael at humawak pa ito sa dibdib.
"In love, pre, pero mukhang heartbroken," rinig kong bulong ni Harris kay Charles.
"Heartbroken ka, Sav?"
"Tumanda ka lang ng isang taon heartbroken ka na."
"Alam niyo, ang tanga niyo," inis na sabi ko sa kanila at inagaw na iyong papel, "doon na nga kayo. Mga wala kayong kwenta."
"Pre, tumanda lang ng isang taon, mapanakit na rin magsalita. Tara na nga," rinig kong sabi ni Jerald bago nila ako tuluyang nilayuan.
Umiling ako at nagpatuloy sa pagkapa sa gitara. Nawala na naman ako sa focus. Kinuha ko na lang iyong cellphone ko at tinext si Christian na matagal ko nang hindi pinapansin kahit message siya nang message sa akin.
C. Lim.:
Busy?
Wala pang ilang segundo ay agad na akong makareceive ng reply galing sa kanya.
Uy, nagmessage. Katatapos photoshoot. Where r u?
Punta akong unit mo.
Saan ka? Sunduin na kita.
No need. Nakasakay na ako.
Pagkareply ko no'n ay binulsa ko na ang cellphone ko at lumabas na ng ACB, tutal ay tapos na rin naman kaming nagpractice.
Nang makarating ako sa unit ni Christian ay hinintay ko pa muna siya ng ilang minuto. Nakatambay lang ako sa tapat ng unit niya hanggang sa dumating na siya dala ang isang box ng pizza. Pagtingin ko ro'n ay may naalala na naman ako pero agad ko iyong winaglit sa aking isipan.
"Kanina ka pa rito?" Gulat na tanong ni Christian sa akin.
"Oo, tagal mo," pagsisinungaling ko. Hinintay ko siyang mabuksan niya ang pinto ng unit niya.
"Pasensya naman. Traffic, eh. Teka nga," lumingon siya sa akin nang mabuksan na niya ang pintuan, "anong nakain mo–"
"Wala, hindi pa nga ako kumakain, eh. Gutom na ako," putol ko sa kaniya at pumasok na kahit hindi pa man niya ito sinasabi.
"Do you want to eat outside?"
Umiling ako, " gusto mo talaga lagi ng scandal at pinag-uusapan, ano?"
![](https://img.wattpad.com/cover/223022233-288-k722414.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
RandomSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020