***
Christian L.
What the heck!?
What?
She's Shania Salvador!
So?
How'd u know her?
Alam mo bang siya ang kauna-unahang nagpanalo ng Pilipinas sa ANTM 8 years ago?
She's a great model
How'd you fucking know her?
After a year pagkatapos ng pagkapanalo niya ay wala ng naging balita pa sa kanya
Alam mo bang idol na idol siya ng kapatid ko dati?
Okay.
Wt
Ang ganda niya lalo sa malapitan
I know
The way she looked at you yesterday
Oh?
I think she likes you, too.
Ulol!
Napabangon ako mula sa pagkakahiga dahil sa text ni Christian sa akin. Pinagt-tripan lang niya ako. Wala na naman sigurong magawa. Sa lahat naman ay ganoon tumingin si Shania. Bakit at paano niya naman ako magugustuhan?
"Pusang gala!" Sigaw ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
Pagtingin ko ro'n ay nakita ko si Shania na nakatayo at nakasandal na roon suot ang black na sweatpants at puting fitted shirt. Nakatingin siya sa akin, gaya nang dati ay wala na naman kaemo-emosyon ang mukha niya. Parang pasan niya lagi ang buong mundo. Para siyang presidente at buong problema ng Pilipinas ay iniisip niya. Pero tangina, ang ganda naman niyang presidente.
"B-bakit?" Tanong ko at tinignan ang mga mata niyang nakatutok din sa akin.
Naalala ko na naman iyong text ni Christian sa akin. Paanong tingin? E, ganyan nga siya lagi. Laging cold, walang kaemo-emosyon, bago't na bagot kung tumingin kaya paano niya nasabi 'yon? Masasampal ko talaga iyong lalaking 'yon kapag nagkita ulit kami.
"Do you want to come with me? Kukunin ko si Sasha kay Ayan," plantyado at walang kakulay-kulay o walang kabuhay buhay na tanong nito sa akin.
"T-tara?" Teka, why am I stuttering?
Tumigil ako nang tinuro ni Shania ang dibdib ko kaya napatingin ako ro'n. Shit! Oo nga pala, wala akong bra. Walang sali-salitang pumunta ako sa banyo ko at nagsuot ng bra. Nang matapos ako at makalabas ay wala na si Shania sa kwarto ko kaya bumaba na ako at nakita ko agad siya sa living room.
Nang mapansin niya ako ay muli siyang tumingin sa akin–sa dibdib ko at matapos iyon ay lumabas na siya. Napailing-iling na lang ako dahil sa kalamigan niya.
"Ma'am Shania? Nakadalaw ka–" sambit ng isang lalaking may kaedaran na nang makarating kami sa bahay nila Shania. Tumigil ito at tumingin sa akin habang nakangiti nang malapad, "hi, ma'am," bati nito kaya napangiti rin ako samantalang si Shania ay ganoon pa rin, "nako, ma'am Shania, kaaalis lang ng daddy at mommy mo," tuloy ng lalaki.

BINABASA MO ANG
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
RandomSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020