Chapter 42 [UNEDITED]

58.6K 1.8K 1.5K
                                    

***










"Why did you do that?" Singhal ko nang makauwi kami sa bahay nila.




Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako at hindi pa rin makapaniwalang nagawa niya iyon. Hindi ko iyon inaasahan. Lahat ng mga ginagawa niya, lahat ng mga galaw niya ay hindi ko inaasahan. Ni hindi ko man lang naisip na magagawa niya ang mga iyon.




"Tsk, slow," mahina ngunit rinig ko ang sinabi niya.




Mas lalong kumunot ang noo ko, "anong slow?"




"I did that to shut you up. Ang ingay mo, Savien," tila naiiritang sambit niya.




Wow! Ang ganda nang naisip niyang paraan para patahimikin ako, "tangina," tanging nasabi ko na lang.




"It's just a kiss."





Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi, "it's not just a kiss, Shania. Hindi mo alam kung anong epekto no'n sa aki–" natigilan ako sa sinabi ko. Shit! Bakit ko ba 'yon sinabi?




"Tell me," may paghahamong sambit niya at dahan dahan siyang lumapit sa akin na tila nang-aakit, "anong epekto no'n sa 'yo? I wanna know, Savien."




Muli na namang bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tangina! Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Halos magpigil na ako ng hininga nang mas lalo siyang lumapit sa akin. Halos magdikit na ang mga katawan namin. Nakasandal na ako ngayon sa railings ng hagdan kaya hindi na ako makagalaw o makaatras man lang.




"Anong epekto no'n sa 'yo?" Pag-uulit nito sa mapang-akit na boses at ramdam na ramdam ko na rin ngayon ang mainit niyang hininga dahil sobrang lapit na nito sa akin.





"A-ano ba, Sh-shania? A-anong ginaga–"




"Just, please, tell me."




Napalunok ako nang may makita akong kung ano sa mga mata niya. Lungkot? Hindi ko alam.



"Do you like me?"




Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Natulak ko siya nang bahagya, "w-what the hell are you talking? You are my brother's wife. Damn it, Shania!" Sigaw ko dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Tangina, nakakaramdam ako ngayon nang paninikip sa dibdib ko, nasasaktan ako.




"Just answer my fucking question! Do you fucking like me?"





Mas lalo akong nagulat sa pagsigaw niya pabalik kaya napaatras ako at naramdaman ko na naman ang railings nang hagdan sa likuran ko. Bakit ba gusto niyang malaman 'yon? Nag-iwas ako nang tingin sa kanya dahil hindi ko siya magawang tignan nang diretso.





"Silence means yes, so I'll take that as a yes," seryosong sabi nito at iniwan na niya akong tulala sa may hagdan.






Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa naging sumbatan namin ni Shania noong isang araw. Gulat pa rin ako sa pangyayari. Simula ng araw na iyon ay hindi ko na siya ulit kinausap pa, todo iwas ako sa kanya dahil sa hiya at hindi ko alam kung paano ko pa ulit siya pakikitunguhan.




Gulong gulo na ako dahil sa nararamdaman ko. Gusto kong aminin sa kanya na gusto ko nga siya.. at baka nga mahal ko na rin siya pero mas inisip kong kasal siya sa kapatid ko. Kaya hangga't maaari ay sasarilihin ko na lang ito.





"Oy, Zeke, wala kayong pasok bukas?"





Napatingin ako sa kinausap ni Charles. Nakita ko ang pinsan niyang si Zeke at ang mga kasama nito na napangiti nang makita kami saka nakipag-apir. Pansin kong kulang sila ng isa. Wala iyong isang matangkad na babaeng parang barbie ang mukha.





My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon