***
"Sav, practice mamaya sa gym after mong maligo," paalala sa akin ni Harris matapos kaming kumain.
Nang makaalis sila ay napatingin ako kay Shania na ngayon ay umiinom ng tubig, "gusto mo bang sumama o magstay na lang dito?" Tanong ko sa kaniya.
"I'll stay here," simpleng sagot niya at binaba na ang basong ginamit.
"You sure?" Paninigurado ko pa.
Maya't maya ay may pumasok na ulit dito sa kusina, si Harold dala ang kaniyang laptop. Siguradong gagawin at ipagpapatuloy na naman niya iyong research nila. Ngumiti ito sa amin at nilapag niya ang dalang laptop sa mesa.
"I will help him with his research kaya hindi ako sasama," sabi ni Shania at tinuro pa si Harold na tila nahihiya pa rin.
"Okay," sagot ko na lang saka nagpaalam na para makapag-ayos o makaligo na.
Matapos maligo ay muli muna akong pumunta sa kusina para bisitahin sila. Napansin kong dalawang laptop na ngayon ang naroon sa harap nila, iyong isa ay gamit ni Shania at iyong isa naman ay kay Harold. Busy silang pareho kaya hindi na nila nagawang lingunin pa ako o baka hindi na rin nila ako napansin pa.
Kumatok ako saglit sa dulo ng mesa kaya napatingin sila sa akin, "aalis na kami. Harold," ngumiti ako sa kanya at kumindat para sabihing siya na ang bahala kay Shania.
Kumindat din ito at tumango saka nag-thumbs up kaya napakunot ang noo ni Shania na tumingin sa amin. Natawa na lang ako at bago tuluyang umalis ay uminom muna ako ng tubig.
"See you later."
"See you sa bahay ni tito, Ate," tukoy ni Harold sa tito niyang Mayor kung saan kami kakain mamaya ng dinner.
Aalis na sana ako nang biglang magsalita si Shania, "did you bring your phone?" Tanong nito.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinaas iyon para makita niya, "I'll text you later," sabi ko na lang at umalis na.
"Hindi sasama si Ate Shan?" Tanong ni Harris nang makalabas na ako.
Nasa sasakyan na silang lahat maging si Bianca na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinapansin dahil kagabi. Nagtatampo pa rin, parang bata. Pumasok na lang ako sa loob at tumabi sa kanya saka sinundot sundot ko siya sa tagiliran.
"Oy, si Ate Shan?" Muling tanong ng mga kasama ko.
"Hindi nga pupunta. Miss mo agad?" Tanong ko at umirap sa kanila.
"Gago ka ba? Malamang nag-aalala lang kami."
"Nandoon siya sa loob. Tinutulungan niya si Harold sa research niya. Hayaan niyo na, para matapos na rin ng bata iyong kalbaryo ng buhay niya bilang estudyante."
"Nakakahiya kay Ate Shan," kakamot kamot na sabi ni Harris, "teka lang, puntahan ko lang sag–"
"Hayaan mo na nga, ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi naman sinabi ni Harold, nagkusa siya. Tara na. Sayang oras," pamumutol ko kay Harris kaya nagsimula nang pinaandar ni Charles ang sasakyan.
Nang makarating kami roon sa gym ay agad naming nakitang nakaayos na ang lahat. May ilan na ring upuan na monoblocks at nandoon na rin sa stage ang mga gagamitin naming instruments. May ilang batang naghahabulan pero sinusuway sila ng sa tingin ko ay tanod.
![](https://img.wattpad.com/cover/223022233-288-k722414.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
RandomSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020