***
"I know that this is wrong, I'm just a fool and I'm still holding on
Wish we can be together, hoping for forever
'Cause you're the one that I want, you are all I want.
We haven't even started but we have to finish it
Oh, why is this so freakin' hard—"Natigilan ako sa pagkanta maging ang pagtugtog ng mga kabanda ko nang mapansin si Christian na nakahawak ng cellphone at tila vinivideohan kami. Nakaupo siya ngayon sa barstool at ngiting ngiti pa ang gago.
"Oy, ano 'yan?" Tanong ko sa kanya, "vinivideo mo kami?"
"Hindi, ah. May katext ako. Bakit ko kayo ivi-video?" Sabi nito at binulsa na ang kanyang cellphone.
Day-off niya raw ngayon at masyado siyang naboboring sa unit niya kaya nandito siya ngayon. Nagulat kami sa pagdating niya. Mabilis lang siyang nakapasok dahil close sila ng may-ari nitong Bar. Okay na rin ito dahil may dala siyang pagkain. Tamang tama at gutom na kami.
"Sinong gumawa niyan? Parang may pinagdadaanan," sambit nito at natawa pa.
Alam niyang ako ang gumawa nung kantang kinakanta namin kanina dahil prinaktis ko ito dati sa unit niya. Nang-aasar lang talaga siya. Simula noong nalaman niyang may gusto ako ay hindi na siya tumigil sa pang-inis sa akin tungkol doon.
"Pero ayos, ha. For sure marami ring makakarelate riyan. Parang ako," tuloy pa nito.
Hindi ko iyon pinansin. "Mamaya na ulit. Kain muna tayo. May makulit, eh," tila naiiritang sabi ko at binaba na ang nakakabit na gitara sa balikat ko saka lumapit kay Christian at sinuntok ito nang mahina sa dibdib. Umarte naman ito na nasaktan kahit hindi naman talaga.
"Thank you sa pagkain, pre," sambit ni Charles at tinaas ang isang box ng pizza.
"Dagdag pogi points iyong pagdala lagi ng pagkain dito, pre," pagkasabi no'n ni Rafael ay kumuha na siya sa fried chicken at kumagat.
"Oo nga, pre. Dapat araw araw na ganito. Siguradong maf-fall 'yan," natatawa pang dagdag ni Harris kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Nako, pre. Kahit isang truck pa ng pagkain ang dadalhin ko rito araw araw, hindi 'to maf-fall sa akin. May ibang gusto, eh."
"Ouch!" Sabay-sabay na inarte ng mga kabanda ko at humawak pa sila sa dibdib nila na para talaga silang nasasaktan.
"Mga ulol! Kumain na lang kayo," sigaw ko sa kanila saka naupo sa isang barstool na katabi lang ni Christian.
"Why do you want to stop your feelings for her?" Tanong niya sa akin.
Nasa couch iyong mga kabanda ko habang kumakain at nag-uusap din kaya sa tingin ko ay hindi nila narinig ang tanong sa akin ng katabi ko. Ayaw ko rin namang marinig nila ito o malaman lalo na't kilala nila si Shania at lagi na ring nakakasama.
"I just want to."
"Alam ko na. You want to stop that kasi kahit anong gawin mo you can't have her. Gaya ko sa 'yo. Same lang tayo kaya quits! Tugmang-tugma sa sinulat mong kanta." Tumawa siya.
Pinalo ko siya sa braso at inirapan, "magkaiba tayo."
"Gusto ka ba?"
Natahimik ako sa sinabi niya. Ang gusto kong sabihin sa kanya ay magkaiba kami, kasi mas malala 'yung sa akin. Shania is my brother's wife at sobrang maling may nararamdaman ako para sa kanya. At oo na, hindi naman ako umaasang gusto niya rin ako kahit may pinapakita o ginagawa siyang kung ano sa akin.
BINABASA MO ANG
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
RandomSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020