Chapter 28 [UNEDITED]

58.5K 1.7K 353
                                    

***








"Hala! Tulala ka na naman diyan, Savien. Tumanda ka lang ng isang taon ang dami mo nang iniisip. Pa-share-it naman!"





Nahampas ko kay Charles ang hawak kong papel dahil sa gulat, tinignan ko siya nang masama saka tinaasan ng middle finger pero natawa lang ang gago.





"Aray! Ano ba kasing iniisip mo? Nako, Sav. Sign na nga talaga 'yan ng pagiging matanda."





Hahampasin ko sana siya ulit pero nakalayo na siya sa akin, "tanga mo, Charles. Nag-iisip ako ng pwedeng idadagdag dito sa kantang sinusulat ko. Kaya pwede ba? Manahimik ka!"




Kinuha ko iyong ballpen na nahulog kanina at nagpatuloy sa pag-iisip. Kaunting kembot na lang ay matatapos na ito. Nakaisip na rin naman ako ng tono kung paano iyong kanta.




Muling lumapit si Charles sa akin at tinignan ang sinusulat ko, "outro na lang ba ang kulang?" Tanong nito.




I nodded at kinagat ang hawak na ballpen pero muli ko rin itong tinanggal, "oo, kaya 'wag kang maingay. Doon ka na nga. You are disturbing me if you're not aware."





"Sungit, tumanda lang, eh," sabi nito at umalis na.





Simula nang mag-birthday ako at nadagdagan ng isang taon ang edad ko ay naging big deal na iyon sa kanila. Lagi na nilang sinasabi na matanda na ako. Eh, ano naman ngayon? Mas matanda pa nga sila kaysa sa akin.





"Oy, teka!" Nakakunot noong tanong niya at muli akong nilingon.




"What, Charles?" Iritang tanong ko.




"Are you in love?"




"What? No! Pinagsasasabi mo? Nababaliw ka na?" Sigaw ko sa kaniya dahilan para mapatingin sa amin ang ibang kabanda namin. Nagulat lang ako sa sinabi niya. Bakit niya naman nasabi 'yon?





"Hoy, ano 'yan?"




"Nag-aaway ba kayo?"




"Tumanda ka lang, Savien, palaaway ka na."




"Can you just shut up?" Sita ko sa kanila at muling binaling ang atensyon ko sa papel.




Kanino naman ako in love? Eh, wala pa nga akong nakikilala. In love? Tsk, crazy!





"The last time I saw you writing a song ay noong kayo pa ni Warren. Noong nagbreak kayo ay hindi na kita nakitang nagsulat pa ng kahit ano," tila nac-curious na sabi ni Charles habang nakakunot pa rin ang noo.




"Nagsusulat lang ng kanta in love agad? Sapak? You want? Doon ka na nga kasi!" Pagtataboy ko pa pero parang wala lang iyon sa kanya.




"Alam mo it's been years simula nang magbreak kayo ni Warren. Wala namang masama kung in love ka na ulit ngayon. Matanda ka na, oh. Hanap ka na ng seryosohang relasyon."




Pinandilatan ko siya ng mata, "alam mo nababaliw ka na. Makapagsalita kang matanda na ako, eh, mas matanda ka nga kaysa sa akin. Ikaw? May nahanap ka na ba? 'Di ba, wala rin?" Iritableng sumbat ko, "it's been years simula nang i-reject kita. Wala namang masamang magjowa at maghanap ng kapalit ko riyan sa puso mo," I mocked, "oh, baka naman ako pa rin ang laman niyan, Charles. Umamin ka nga!"




Nanlaki ang mata ni Charles at tila nandidiring tumingin sa akin, may nalalaman pa siyang paghawak sa katawan niya, "kadiri, Savien! 'Tsaka sinong may sabing wala pa akong jowa? Ang dami nila at lagi ko silang nakakalaplapan."





My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon