Chapter 21 [UNEDITED]

55.5K 1.7K 705
                                    

***








"Oh, Sav. Good morning. Kumusta tulog?" Tanong ni Kuya nang makapasok ako sa kusina.






Ilang araw na rin ang nakalilipas simula nang magkasakit ako at gumaling. Magaling ata iyong nag-alaga sa akin. Napatingin ako sa asawa ni Kuya na ngayon ay naghahanda na ng almusal. Tumingin siya sa akin pero saglit lang iyon. Ngumiti na lang ako at pumunta sa ref para kumuha ng tubig. May nakapagsabi sa akin na mas okay raw ang tubig sa umaga bago kape.





"Ewan, Kuya. Hindi ko namalayan, nakatulog ako, eh."





Kuya chuckled because of what I just said, "anyway, Sav. Next week will be our family outing–"






"I'm not going, Kuya," agad na putol ko sa kaniya.





Naka-ilang family outings na sila pero simula nang makaalis ako sa bahay ay hindi na ako naki-join o pumunta pa. Feeling ko ay out of place ako ro'n kahit pa kasali ako sa pamilya. Isa pa, siguradong maboboring lang ako roon dahil halos lahat sila ay may alam sa business. Siguradong iyon lang din ang pag-uusapan nila ro'n.





"Dali na, Sav. Ilang family outings na ang hindi mo napuntahan. Na hindi ka kasama. Sa Ilocos lang naman iyon, after 2 or 3 days ay uuwi rin tayo. Anong gagawin mo rito? Mag-isa ka lang." Pamimilit pa ni Kuya.





Naramdaman ko ang ilang pagsulyap sa akin ng asawa niya pero ni hindi ito nagsalita. Ano kayang iniisip niya? For sure ayaw niya akong sumama kasi ayaw niya akong makasama ro'n.






"Family nila Shania and family lang naman natin ang pupunta."





Hindi ko iyon pinansin. Every year na ganito sa family, kahit gaano sila kabusy ay nagagawa pa rin nilang magbakasyon ng kahit isang beses lang sa isang taon.





"I'll think about it."





"Come on, Savien. Ang tagal na rin simula noong last kang sumama."





I sighed, "Kuya, may gig ako."





"I'll talk to your manager about it."





Bakit ba ang kulit nitong kapatid ko? Sarap batukan!





"For sure beach ang pupuntahan doon. Wala akong–"




"Let's go shopping later with Shan."





"And also.." nag-isip ako ng pwedeng idadahilan dahil ayaw ko talagang sumama. Come on, Sav! Mag-isip ka pa!





"Let's eat habang nag-iisip ka ng idadahilan mo."





I bit my lower lip at lumapit na sa hapag. Ang hirap takasan ni Kuya. Hindi talaga siya tumitigil hangga't hindi niya ako napapapayag sa gusto niyang mangyari. Parang doon ko namana iyong katigasan ng ulo pero mas malala nga lang ako.










"I'll wait for you here. May titignan lang ako," sabi ni Kuya habang tumitingin tingin ng board shorts sa men's clothing line. For sure ayaw niya lang sumama sa amin sa swimsuit line.





Nandito na kami ngayon sa mall at nagsh-shopping para sa gagamitin namin papuntang Ilocos next week. Ano pa nga ba? Napapayag na ako ni Kuya na sumama sa kanila. Wala, eh. Masyado siyang malakas sa akin at sobrang kulit sa pamimilit.





Hinayaan ko na lang si Kuya roon at sumunod kay Shania na walang imik na naglalakad. Habang namimili ako ng bikini ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Namimili rin siya, kinuha niya iyong two piece bikini na kulay itim at tinignan ito. I think bagay iyon sa kaniya–well, lahat naman bagay sa kanya.






My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon