Chapter 10 [UNEDITED]

54.2K 1.7K 474
                                    

***








"Kuya, pasalubong, ha?" Sabi ko kay Kuya bago siya makalabas ng kwarto ko.





"Meeting ang pupuntahan ko, Savien. Hindi gala."




Natawa ako sa sinabi ni Kuya kaya kumaway na lang ako. Nang masara na niya ang pintuan ng kwarto ko ay muli na akong nahiga sa aking kama.




Ngayon na ang flight ni Kuya papuntang Cebu para sa kaniyang business meeting at hindi ko talaga alam kung paano ko pakikisamahan ngayon ang asawa niya.




Iyong dating inis ko sa asawa niya ay naging hiya. Una, dahil sa mga sinabi sa akin ng mga bandmates ko. Sobrang nakakahiya 'yon. Pangalawa, iyong nangyari kanina. We kissed! Unexpected iyon pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mag-isip ng kung ano.





Marami na akong nakahalikan, mapababae man o lalaki kaya dapat ay wala lang iyon sa akin, pero hindi, eh. Knowing that she's my brother's wife.




Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat, Sav? At bakit ba kasi haharang-harang siya sa dinadaanan ko? Eh, kung hinayaan na lang sana niya akong matumba at bumagsak sa sahig, edi sana walang problema, 'di ba? Sana hindi nangyari 'yon. Sana tahimik ngayon ang isipan ko.




After what happened kanina ay hindi na iyon nawala pa sa isipan ko. Kahit anong gawin ko ay paulit-ulit pa rin itong bumabalik at tila isa itong film sa isipan ko na naka autoplay at mahirap i-stop o i-pause.




Ginulo ko ang sarili kong buhok at napatingin sa aking wristwatch. It's already 6 in the evening at may gig na naman ako mamaya.




Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang iinvite sa gig ko. Mag-isa lang siya dito and I think hindi kakayanin ng konsensya kong iwan siyang mag-isa. Ano na lang ang sasabihin ni Kuya sa akin?




Pero...





Bumuntong hininga ako. Ano bang dapat kong gawin? May gamot bang pwede i-take para pakapalin ang mukha ko? O para makalimutan ko na lang lahat ng kahihiyang nangyari kagabi at kanina?





Come on, Sav. Hindi ba't magaling ka sa ganiyan? Ang bilis mo ngang kalimutan iyong mga naka-one night stand mo. Nasaan na 'yung confidence mo sa tuwing kaharap mo 'yung mga babae at lalaki mo?





Kakausapin ko pa sana ang sarili ko nang biglang magvibrate ang phone ko. Tumatawag na naman si Charles. Ano na namang kailangan niya? May nakalimutan pa ba silang sabihin na ginawa kong kahihiyan kagabi?




"Ano-"




"Where are you?" Putol nito sa akin. I think may problema base san kaniyang boses.




Oh, please. Not now. Hindi pa ako nakakapag-move on sa mga nangyari sa akin kagabi at kanina.




"Turn on your TV."




"Why?"




"You are all over the news and internet, Savien."




Gusto kong matawa sa sinabi ni Charles pero seryoso ang boses niya kaya alam kong hindi iyon biro. Pero ako? Nasa news at internet? Ni hindi nga ako gumagamit ng social media, paano nangyari 'yon?




"Baka nagkakamali ka lang-"




"Tignan mo sa internet o 'di kaya manood ka ng showbiz news ngayon na."




My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon