***
"Bulaga! Kanina mo pa pinapanood 'yang videong 'yan, paulit ulit. At para ka ring tangang nakangiti. Sino ba 'yan? Girlfriend mo? Patingin."
Kukunin na sana ni Christian ang cellphone ko pero agad ko itong nilayo sa kanya at sinaksakan ang bunganga niya ng pizza, "wala 'yon," sambit ko at binulsa na ang cellphone ko.
Nandito ako ngayon sa unit ni Christian, dumiretso ako rito matapos ang practice namin kanina para makikain sa kanya. Napansin niya pa lang kanina ko pa tinitignan at pinapanood ang video ni Shania sa akin. Iyong video niya sa toy shop na tumatawa kasama si Silver. Hanggang ngayon ay nasa akin pa rin at hindi ko pa binubura.
"Sus, 'yang mga ngiting 'yan. Ngiting in love," pang-aasar pa nito at pabagsak na naupo sa sofa saka binuksan niya ang kanyang TV. Muli siyang lumingon sa akin at kinapa ang bandang dibdib niya, "alam mo bang nasasaktan ako ngayon dahil may iba kang nagugustuhan?"
Sinapak ko siya at tinignan nang masama, "gago ka ba? Una pa lang sinabi ko na sa iyong friends lang ang maibibigay ko sa 'yo," giit ko sa kanya.
Tumawa siya, "yeah, pero masakit."
"Bahala ka nga," sabi ko at aalis na sana nang pigilan niya ako.
"'To naman. Nagbibiro lang, e. Pero ano nga? Girlfriend mo 'yon? Patingin," pangungulit pa niya sa akin.
Umiling ako saka na ulit naupo sa tabi niya, "she's not my girlfriend-"
"But you like or love her," pamumutol niya sa akin kaya muli ko siyang tinignan nang masama.
"Alam mo ang chismoso mo," irap ko, "ang pangit mo pa. Paano ka naging artista?" Seryosong sabi ko but I was just kidding. He's handsome kaya marami siyang fans.
"Alam mo ang pangit ng ugali mo. Paano ka naging tao?"
"Alam mo kamukha mo si satanas. Anak ka niya, 'no?"
Nagulat siya sa sinabi ko at medyo lumayo sa akin. Pinagkrus niya rin ang dalawang hintuturo niya, "paano mo nasabing kamukha ko si satanas? Nagkita na kayo?"
"Oo," seryosong sabi ko, "sabi niya kukunin ka na raw niya bukas-"
"Tigil mo 'yan. Patingin na kasi nang tinitignan mo kanina. Parang familiar, e."
"Wala nga 'yon."
"Pero mahal mo nga?"
I rolled my eyes at him, "kulit mo."
Humagalpak siya ng tawa, "at least hindi lang ako ang friendzoned."
Hindi ako na-friendzone, ulol! Sister-in-law-zone kung iyon ang matatawag doon. Tangina!
"Wala akong pakialam. 'Tsaka isa pa hindi ko pa siya mahal. Gusto pa lang," sabi ko rito at kumuha ng pizza saka sumbo.
Hindi ko pa talaga mahal si Shania. Gusto pa lang at pwede pa iyong magbago kahit alam kong masyado nang malalim iyong pagkagusto ko sa kanya. Tangina naman kasi, sa dami ng pwede kong magustuhan, bakit asawa pa ni Kuya?
"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Christian sa akin nang tumayo na ako.
"Alis na ako," sabi ko at naglakad na.
BINABASA MO ANG
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
RandomSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020