Chapter 27 [UNEDITED]

62.4K 1.8K 1.1K
                                    

***











Pinilit kong minulat ang aking mga mata nang maramdamam kong may nakapatong na mainit na kamay sa dibdib ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita si Shania sa tabi ko na walang kahit anong suot na damit at tanging ang comforter ko lang ang nakacover sa katawan niya ngayon. Nakadapa siya ngayon at ang isang kamay niya ay nakapatong sa dibdib ko, she's sleeping peacefully.





Shit! So totoo nga? Hindi ako nananaginip kagabi? Totoo nga iyon! Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.





Muli kong inalala ang mga nangyari kagabi at halos magsugat na ang ibabang labi ko dahil sa marahan kong pagkagat dito. Hindi ko maramdaman ang pagsisisi sa sarili ko. Hindi ko alam pero natutuwa pa rin hanggang ngayon ang puso ko.




Shit, anong oras na? Wala pa ba si Kuya?





Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko, nakasarado ito at nakalock. She locked my door para walang ibang makapasok at halata ngang pinaghandaan niya ito. Anong pumasok sa isip niya? Why did she do that? Alam niya ba ang mga ginawa niya kagabi?






Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa akin at bago bumangon ay napatingin muna ako sa kanya, sa mukha niya. Damn it! Bakit ba ang ganda niya kahit tulog siya? Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa leeg at braso niya.







Bago pa man makaramdam ulit ng hindi kanais-nais ay bumangon na ako at pumunta na sa bathroom para makaligo. Natapos na akong maligo pero nakahiga pa rin si Shania at tulog pa. Halatang napagod kagabi.





It's already 6 in the morning. Bumaba na ako para makapaghanda ng almusal pero mukhang hindi na kailangan dahil nagluluto na si Kuya. Napalunok ako nang maalala ang nangyari sa amin ng asawa niya. Shit! Ngayon lang pumasok sa isip ko ang kabaliwang iyon.






"Savien, tulala ka riyan. What's with that face?"





Natauhan ako nang marinig kong magsalita si Kuya, "w-wala, Kuya. Ano 'yang niluluto mo?" Pag-iiwas ko.





"Spam and sunny-side-up," ngiti ni Kuya, "did you see Shania? Nagpaalam ba siya sa 'yo kung saan siya pumunta? She's not in her room."





Ramdam ko na ang mga butil ng pawis na nabubuo sa bandang noo at sentido ko dahil sa tanong niyang 'yon. Anong sasabihin ko?






"I slept in her room, Steve."





Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Shania mula sa aking likuran at.. iyong sinabi niya. Damn it! Ilalaglag niya ba ako? Anong sinasabi niya? Anong ginagawa niya? Sasabihin niya ba ang nangyari sa amin? Na may nangyari sa amin kagabi?





"Masyadong mainit sa kwarto ko, sira 'yung aircon kaya nakitulog ako sa kaniya," kalmadong sabi niya at binuksan ang ref para kumuha ng tubig.





Nakahinga ako nang maluwag nang masabi niya iyon. Nagpunas ako ng pawis sa aking noo. Pero totoo ba iyong sinasabi niya? Sira nga ba talaga ang aircon sa kwarto niya?





"I'll call Manong Henry later para maayos agad iyong aircon ng kwarto mo pero kung hindi pa maayos ngayon," Kuya looked at me, "pwedeng doon na muna siya sa kwarto mo, Sav? Malaki naman iyong bed mo. Is it okay?"





Halos malunok ko na ang buong dila ko sa sinabi ni Kuya. Hindi ako umimik at tumango lang. May iniabot si Shania sa aking isang baso ng tubig kaya agad ko itong ininom at halos maubos ko na ito.





My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon