***
One year later...
"Savien, nasa airport ka na ba? Ilang oras na lang ay flight mo na," sambit ni Kuya sa kabilang linya.
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at bumuntong hininga, "Kuya," tila tinatamad na tawag ko sa kanya habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto.
"Don't tell me hindi ka pa nakakapag-ayos? Savien, naman. Sige na–"
Agad akong bumangon nang marinig ang pagtatampong iyon ni Kuya, "nag-aayos na ako, Kuya. Heto na nga at maliligo na. Sige na, see you tomorrow, I love you!" Sigaw ko at binato ang cellphone ko sa kama saka dumiretso na sa bathroom para maligo.
Wala talaga akong balak lumipad papuntang New york ngayon dahil bukod sa pagod na pagod ako dahil sa concert namin kahapon ay tinatamad din ako, iniisip ko pa lang iyong halos isang araw na nasa loob ako ng eroplano ay nababagot na ako. Kung hindi lang talaga malapit sa akin si Kuya ay hindi talaga ako pupunta.
"We are sorry for the delay in our departure. Please, fasten your seat belt and refrain from smoking while the no smoking sign is on. From captain De Leon and the crew, it is our pleasure to serve you today–"
Agad kong sinalampak sa aking tenga ang earphone ko at nakinig ng mga kanta. Bagot na bagot akong tumingin sa labas mula sa bintana habang tinitipa ko ang mga daliri ko sa aking lap, kinukumpas ang pinapakinggang kanta.
Napaangat ako nang tingin nang may magtanggal sa suot kong earphone. Nagulat ako nang makita ko si Ayen na ngayon ay malapad ang ngiting nakatingin sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba, nandito rin ba siya? Sana wala.
"Ate Savien," tumawa ito, "akala ko wala akong makakatabi rito. Teka, pupunta ka ring New York?"
"Hindi, nakisakay lang ako rito para matulog, Ayen," ngumiti ako nang sarkastiko at pilit na winawaglit ang kabang nararamdaman.
Napakamot siya sa ulo niya, "ay, teka, ate, may kukunin lang ako," sabi niya at binuksan ang katapat na compartment, may kinuha siyang isang bag at muli nang naupo.
"Ano 'to?" Kunot noong tanong ko nang ibigay niya sa akin ang isang kulay pulang scrapbook.
"Scrapbook, ate."
Napailing-iling na lang ako dahil sa sagot niya, "m-mag-isa ka lang ba? Anong gagawin mo sa New York?" Tanong ko habang tinatanggal ang ribbon ng scrapbook.
"Vacation, Ate. Kasama ko sila Ayan at mommy. Si Ate Shania nasa Korea ngayon, sila ni Daddy."
Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan niya. Isang taon ko na rin pala siyang hindi nakikita simula noong gabing iyon. Isang taon ko na pala siyang iniiwasan. Sana okay na siya ngayon.
Bumuntong hininga ako at nagfocus na lang sa binigay sa akin ni Ayen pero kumunot ang noo ko nang makita ang unang pahina ng scrapbook.
"Dapat ay noon ko pa iyan binigay sa 'yo, Ate, kaso nakakalimutan ko. Apat na taon na rin 'yang nasa akin, sabi ni Ate ibigay ko sa 'yo. Dahil sa tagal naisipan namin ni Ayan na ayusin at gawing scrapbook para may pagkasweet kahit papaano. Pinadala sa akin ni Ate 'yan, tamang tama at nakasabay kita ngayon."
![](https://img.wattpad.com/cover/223022233-288-k722414.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother's Wife [GL] [UNEDITED]
DiversosSavien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020