Chapter 02

60.2K 1.3K 71
                                    

KINABUKASAN ng gabi, nang masiguro ni Zafrina at Zabrielle na tulog na tulog na ang mga tao sa mansiyon ay buong ingat na pumunta sila sa kuwadra ng mga kabayo. Tulog na rin ang mga tauhan nila nang mga oras na iyon.

"Ate Zaf, ingatan mo ang sarili mo. Okay?"

Tinanguan niya si Zabrielle. "Makakaasa ka," aniya sa pinsan nang makasakay siya sa kanyang kabayo. "Ikaw na ang bahala bukas kay Furious. Mag-iingat ka rin dito. Alis na ako, Zab. Bumalik ka na sa loob ng mansiyon at masyado ng malamig dito sa labas."

"Pero baka isipin nila na alam ko na aalis ka kapag ako ang kumuha kay Furious bukas," alanganin nitong sabi.

May tama ito. "Siguro naman ay mapapansin ng guard si Furious sa manggahan. Itatawag non tiyak dito sa mansiyon. Sige, 'wag mo ng puntahan si Furious."

Hindi pa rin maalis kay Zabrielle ang pag-aalala nang bumalik ito sa mansiyon.

"Tara na, Furious," aniya sa kabayo bago iyon pinasibad ng alis. Kahit makapal ang suot niyang jacket ay nanunuot pa rin ang lamig dulot ng paghampas ng hanging gabi sa kanya. She silently prays for her safety. Nang halos marating na niya ang tarangkahan ng hacienda ay itinali na niya sa malaking punong mangga ang alagang kabayo. "Dito ka lang, Furious, ha? Ibabalik ka rin nila bukas sa kuwadra mo. Mami-miss kita." Niyakap pa niya sa may leeg ang kabayo na siyang pinaka-buddy niya sa hacienda. Hinimas-himas muna niya ang leeg nito bago siya tuluyang naglakad palayo.

Sa ngayon, kailangan muna niyang lumayo para iligtas ang sarili mula sa pansariling interes ni Gino Ferrer. Pero sinisigurado niya na sa pagbabalik niya, kaya na niyang harapin ang mga ito.

Abot-langit ang kaba niya nang makalabas sa gate kung saan himbing na natutulog ang nakabantay na guwardiya. Sa hindi kalayuan nga ay nakaparada ang kotse ng kaibigan niyang si Ella. Mabilis niya iyong nilapitan.

"Siguradong-sigurado ka na ba sa gagawin mong ito, Zaf?" tanong pa ni Ella nang makasakay siya sa kotse nito.

"Desperada na akong makaalis muna, Ella. Ano ba'ng oras ang first trip bukas?"

"Alas kuwatro y media."

Si Ella rin ang nagbigay ng ideya sa kanya kung saan siya sa Pabilao City puwedeng manatili. Isa kasi ito sa executive assistant ng kilalang hotel sa Baguio, ang Alager Hotel. Nakuwento nito sa kanya na may branch ang hotel na iyon sa Pagbilao City. Naroon ang pinaka-main branch.

"Thank you for helping me out, Ella," animo pagod na pagod na isinandal niya ang likod sa inuupuan. "'Wag na 'wag ka lang aamin kina lola dahil tiyak na sira ang plano ko."

"I know. Basta mag-ingat ka doon sa Pagbilao City. Pugad ng mayayamang lalaki ang lugar na iyon. Take note, lahat ng yayamaning binata doon ay ang sarap iuwi."

Sinulyapan niya ito na nakatutok sa kalsada ang buong atensiyon. "Tss. Lalaki na nga ang dahilan ng pag-alis ko dito sa Sagada."

"Asus. Sabi mo lang 'yan. Si Sir Mark Brice nga kahit may asawa na ay napakarami pa ring kinikilig kapag nabisita sa Alager Hotel sa Baguio," tukoy nito sa may-ari ng naturang hotel.

"Mag-drive ka na lang, Ella. Wala akong panahon sa kanila."

Tumawa lang ito. "Anyways, siguradong mag-e-enjoy ka doon dahil sa napakagandang dagat na sakop ng Alager Hotel Beach and Resort. Pinaka-bonggang branch iyon ng Alager."

"Sana nga ma-enjoy ko ang lugar na iyon na gagawin kong taguan. Wala sanang makaalam na naroon ako. Akala ko sa mga palabas lang ito nangyayari, eh. Puwede rin pala sa totoong buhay." Malungkot siyang nagbaling ng tingin sa labas ng bintana.

"Well, that's life. Maybe, part na talaga ng destiny mo ito, Zaf."

"HEY, Reign. Galaw-galaw naman diyan."

Pahinamad na inabot ni Sovereign Millares ang binigay na can beer ni Liam. Binuksan niya iyon bago ininom.

"What's eating you?" Umupo si Liam sa katapat niyang couch. "You tell me."

Sinulyapan lang niya ito bago muling ibinalik ang tingin sa malayo. Nasa veranda ng Night Out Bar siya nang mga sandaling iyon na nasa loob ng Leisure Club ni Daizuke Niwa.

Naiiling na uminom ng beer si Liam nang hindi siya magsalita. "Napakaganda mong kausap. Nasa loob ang lahat pero narito ka at mas piniling magmukmok dito sa labas. Sigurado akong may problema ka. Ang layo ng lipad ng isip mo, eh. Hindi ka naman siguro nauubusan ng babae," nakangisi pa nitong sabi.

"Babae? Alam mo namang wala akong panahon sa mga 'yan."

"Eh, 'di nagsalita ka rin." Tumawa pa si Liam. "Ang sungit mo ngayon, may monthly period ka ba?"

"Wala ako sa mood na makipagbiruan, Liam. Spare me."

"Sabihin mo na kasi kung ano'ng dinadala mo. Malay mo mabigyan kita ng magandang payo."

Napabuntong-hininga siya. Isa si Liam Montiger sa ka-close niyang kaibigan. Marami na rin siyang naibahaging mga personal na problema rito kaya walang masama kung mag-share uli siya rito ng isa pa niyang pinoproblema.

"'Yong step-sister ko sa second wife ni daddy," sa wakas ay sabi niya.

"Ano ngang pangalan niya?"

"Si Cassey."

"Ano namang problema mo sa kanya?"

"She's acting weird. Napapansin ko 'yon nitong mga nakaraang araw."

"Ngayon mo pa lang napansin na weird 'yang step-sister mo? Halata namang malaki ang pagnanasa sa 'yo. Careful. Baka isang araw ay magising ka na lang na katabi mo siya sa kama."

Naiiling na uminom uli siya ng beer. "Kaya nga palaging naka-lock ang kuwarto ko kapag naroon ako sa bahay."

Nang mamatay ang kanyang ina, labing-apat na taon na ang nakakaraan, na si Soledad Millares ay muling nag-asawa ang kanyang amang si Antonio Millares. Hindi sila close ng kanyang madrasta na si Marion. Alam naman iyon ng lahat. Pinakikisamahan lang niya ito maging ang anak nitong si Cassey na wala yatang balak magtrabaho sa edad nitong bente sais. Mas gusto pa ay ang maglustay ng pera.

"Bakit kasi hindi mo pa tirhan ang bahay na pinatayo mo sa Phase III ng Valle Encantado?"

"Hindi pa fully furnished ang bahay ko sa Phase III. Soon, kapag natapos na. Doon na ako titira."

"Well, gusto mo ba ng payong kaibigan?"

Tiningnan niya si Liam na kakaiba ang ngisi sa kanya. "Ano naman 'yon?"

Tumayo na ito at tinapik siya sa balikat. "I'll tell you later. For now, tara na muna sa loob. Boring dito sa veranda."

Wala ng nagawa na sumunod na siya sa kaibigan sa loob ng bar.

The Billionaire's Secret | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon