Chapter 31

39.9K 1.2K 376
                                    

NAGISING mula sa mahimbing na pagkakatulog si Zafrina sa sunod-sunod na malalakas na pagkatok sa pinto ng silid ni Sovereign. Pupungas-pungas na nag-mulat ng mga mata si Zafrina.

"Hey! Hindi ka pa rin ba gising? Tanghali na! Wake the hell up, Zafrina!" malakas na wika mula sa labas ng pinto.

Napilitang bumangon na ang dalaga at hayunin ang pinto. Nang mabuksan niya iyon ay ang iritadong mukha agad ni Cassey ang bumungad sa kanya.

"Alam mo ba kung ano'ng oras na? Alas otso na. Kanina pa ako nagugutom."

Kumunot ang noo niya. Bakit naman sa kanya ito nagrereklamo ng kagutuman nito? May tagaluto naman ang bahay na iyon. "Gusto mong sirain ang pinto dahil lang nagugutom ka?"

Umasim ang mukha nito. "That's mean, magluto ka na."

"Bakit ako?"

She rolled her eyes. "FYI, wala lahat ng maids. Naka-leave silang lahat. Babalik lang sila bago ang araw na pagdating nina Mommy. So, bilisan mo at magluto ka na."

"Naka-leave?"

"Deserve rin nila ang makapag-leave. And this is the best time para gawin 'yon. Siguro naman ay marunong ka sa gawaing bahay dahil nasa hitsura mo rin naman." Tumaas pa ang isa nitong kilay. "You'll do the house hold chores, Zafrina. Lahat ng gawaing bahay. Hindi por que ikaw ang asawa ni Reign ay tutunganga ka lang dito habang wala siya. Dalawa lang naman ang pagpipilian mo. Leave this house or gawin lahat ng gawain ng mga katulong."

Umalis sa bahay na iyon? Wala iyon sa plano niya dahil nangako siya kay Sovereign na dadating ito na naroon pa rin siya. "At ikaw?"

Ngumiti ito. "Sorry, pero sa bagay na 'yan ay wala kang maaasahan sa akin dahil lumaki ako na may mga katulong sa paligid ko." Pumitik pa ito sa harapan niya. "Tama na ang chika, pumunta ka na sa kusina at magluto ng almusal. ASAP," iyon lang at naglakad na ito palayo.

Pagak siyang napatawa sa sinabi ni Cassey. May alam din naman siya sa gawaing bahay dahil kapag may time ay tumutulong pa rin siya sa mga gawain sa bahay ng abuela niya kahit may mga katulong sila roon. Hindi rin naman siya pinalaking tamad ng kanyang mga magulang.

Ngunit parang sobra naman ang ginawa ni Cassey para pagbakasyunin lahat ng kawaksi? Ni isa ay wala itong itinira?

Muli siyang pumasok sa loob ng silid ni Sovereign at nagbanyo. Napabuntong-hininga pa siya habang nag-to-toothbrush. Nakaalis na kahapon sina Sovereign. At sa unang gabi na wala ito sa silid na iyon ay sobrang naninibago siya. Kaya naman pasado ala una na ng madaling araw siya nakatulog. Nangako ito na tatawag ito kapag nakarating na ang mga ito sa hotel na tutuluyan.

Masyadong matagal ang byahe kaya natitiyak niya na matatagalan bago ito tumawag sa araw na iyon.

Mukhang wala siyang magagawa sa ngayon kundi ang makisama kay Cassey dahil sila lang dalawa ang tao sa mansiyon. Marunong naman siyang magluto kaya walang kaso sa kanya.

Katatapos lang nilang mananghalian nang muli siyang lapitan ni Cassey sa kusina. Katatapos lang niya halos maghugas ng kinainan nila at ginamit niya sa pagluluto. May dala itong laundry basket na puno ng damit.

"Labhan mo itong mga damit ko. Hindi ito puwede sa washing dahil masyadong sensitive ang mga tela. Kusutin mo na lang." Inilapag nito iyon sa tabi niya.

"Cassey—"

"Alam kong marunong kang maglaba. Be thankful. Dahil practice mo na rin ito kapag lumipat na kayo ng bahay ni Reign. Kaya 'wag kang puro reklamo." Hindi na nito hinintay na makapagsalita pa siya. Tinalikuran na siya nito at hinayon ang palabas ng kusina.

The Billionaire's Secret | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon